Cheers!

12/22/2008

spirit of xmas

swee - eet!!!

daming kong natanggap na xmas gift. ang sarap ng feeling magbubukas ng regalo at hulaan kung anu ung laman. kahit na alam ko na "cup" or "tshirt" ung nakalagay sa loob. excited pa rin akong buksan. di nga tumatagal ung inaabot saken, nabubuksan ko agad. haha.

sa mga nagbigay.. salamat ng marami.
sa mga d pa.. pede pang humabol, tumatanggap ako kahit late na. hehe.

muli, merry christmas and happy new year. god bless.

12/11/2008

advance

mauna na ko baka magkalimutan.
sa mga kapamilya, kapuso, katropa, kabarangay, kapitbahay, kakosa, kadota, kaibigan, kaaway, at sa lahat ng kakilala at kahit sa mga di nakakakilala saken.

merry christmas and happy new year!!!
yahooooo...

un lang!!!

at kung hindi nio kelangan ng pagbati at mas gusto nio na may regalo... pwes di kau kasama sa mga binati ko, at kalimutan nio na ang lahat ng ating mga pinagsamahan. isa na lang kaung istranghero sa aking paningin. hmmp...

pera na lang kung kau magbibigay, ibang usapan na un, at maluwag kong tatanggapin kahit anu pa un. salamat.

12/09/2008

all i wan't for chrismas is you

malas...
late akong nakapasok, pero parang natural na saken un. ang di ko matanggap ay ung fx na sinakyan ko. putsa! kaya nga ko sumakay ng fx para naman marelax ako ng onti bago pumasok. pero nung pagbayad ko saka ko lang napansin na mejo mabaho ung fx, amoy usok ng sigarilyo, amp. aircon pa namn. eh dun pa naman ako sa tabi ng driver umupo. parang lahat ng tirang usok napunta sa lalamunan ko. badtrip talaga!
malas...
kelangan magbawas ng kahihiyan. nagprapratis na ng presentation para sa xmas party sa company. wala eh. kelangan gawin.
malas...
hays...
malas...

ung title? isang malaking sikreto kung yan ung nailagay ko...

12/02/2008

soulmate

lahat ng nilalang dito sa mundo ay may nakatakdang kaparehas. kahit sinu ka pa, saan ka pa, anu ka pa. may nakatadhana kang nagiintay at nanabik sa inyong pagtatagpo. nakaguhit na sa iyong mga palad, kung baga kapalaran nio talaga ang para sa isa't-isa.

pagdumating ang araw na magsasalubong ang inyong mga mata, hihinto ang oras at maliliwanag ang lahat. mararamdam mu na parang ang tagal nio ng magkakilala. na parang nakita muna ang matagal hinahanap. at masasabit mo sa iyong mga labi na... " siya na nga"

halos lahat ng bagay magkasundo kayo. parang iisa lang ang tibok ng inyong mga puso. na kahit ang mga nasa paligid ay natutuwa sa pagiging magkatuwang nio. na kahit ang panahon at kaligiran sumasangayon sa inyong pagsasama. na kahit anung unos at pighati di na kau mapaghihiwalay.
na para bang kumpleto na lahat, wala ng hahanapin pang iba.

soulmate, ung taong nakadestiny na para sayo...

ikaw nakita mu na ba ang soulmate mu? di pa? pwes wag ka ng umasa at lokohin ang sarili mu. di totoo yan, wag kang magpauto. kalokohan lang yan ng mga ninuno nio na di nagkaroon ng kapareha sa buhay kakahintay sa wala. walang intelektual na masasabi ang nakaimbento nyan.

mas maganda kung nag-F.L.A.M.E.S. ka na lang, malilibang ka habang niloloko ang sarili. hehe.

11/24/2008

21 to 24

21
-natrapik ng 2 oras paumuwi.
-uminum ng alak, mini celebretion ng bday ng pinsan ko[ciara].

-dahilan lang un, di umiinum ung pinsan ko.
22
-napaaga ng pasok, first ako.
-un lang sarado pa kaya di ako makapasok.

-useless!!!

-buti may isang employee na maaga rin.
-para manood ng 'Bangkok Dangerous'.

-nanood muna ko kahit alam kong mabibitin lang ako.
-late na naglunch.
-naaliw kc sa audio file ni idol xG.
-umuwi ng maaga.

-ngaun kc ung grand celebration ng bday ng pinsan ko.
-libre foodtrip, alak at videoke. -aus na aus!
-perstaym ko ang magGIN.

-nakadami kami.

-???


23

-punit ang ulo ko pagkagising.

-bili muna ng softdrinks sa suking tindahan.

-watda!!!
-ba't sikwenta na lang laman ng pitaka ko?
-nagpabibili pa daw ako ng pangbanlaw, sabi ni utol.

-huh? d nga? kelan?

-... / uu nga / nung pagkatapos ng "-nakadami kami"[check mu nung 22].

-ahhh, kaya pala ala na kong maalala after nun.

-di parin mapakali.

-nagpapawis, nagbasketball.

-hiningal pagkatapos ng sampong balik.
(baka iba ang tumatak bo sa isip nio ngaun, itigil nio na yan)
-umambon, di natapos.

-napagod, natulog ulet.
-dota agad, pagkagising[walang kaen].

-pagkatapos ng limang oras na dota[wala paring kaen].

-umuwi para manood ng pirated na dvd.

-nakatulog ulet, boring kc ung pinapanood.

-6pm, nagising, diretcho sa shop[wala paring kaen].

-madaming tao sa shop, pero walang naglalaro.
-pa 40 days ng tatay ni botchok, pupunta silang lahat.

-at isinama ako.

-fud trip[nasobrahan sa kaen].

-sabay sabay bumalik sa shop, para magdota.

-2 hours, lang ako.

-pag-uwi kain ulet[sobra sobra na ang kaen].

-tulog agad, WAG PO SANANG BANGUNGUTIN.


24

-bday ng taytay ko.

-fudtrip, inuman ulet kaso wala ng videoke.
-pero may live band.
-astig!!!
-ung mga pinsan at kaibigan ko ung tumutugtog.
-masaya at lasing ang tatay ko nung gabing un.
-ok na siguro un. hehe.


baka makalimutan ko ang apat na araw na to, sayang naman. kaya nilagay ko na cia sa blog. hehe.

pansin ko para kong isang patabaing baboy, kain, tulog, laklak, dota. putsa kelan kaya ko kakatayin?

11/16/2008

50-32=??

after ng overnight inuman session sa bahay ng katropa... umuwi ako ng mejo wala pa sa katinuan at kelangan muna ata na lamanan ang sikmura kesa sa humilata at matulog. at pagdating samin, yaya agad kay utol para kumain sa lugawan.

masarap ang lugaw dito, di gaya sa iba na parang ang may sakit lang ang may karapatan sa tinda nila. pero habang kumakain na parang may kulang... hmmmm, paminta? suka? kalamansi? mukhang di naman. at maya maya pa lumabas na ung anak nung may-ari. si ate, pero mas bata pa siya sakin. biglang nakompleto ang lahat, sumarap ang lugaw. panalo si ate at laging nakapambitaw. kaya pala ung mga tambay samin naiingganyo na kumain ng lugaw.

at nung matapos na kaming kumain, sakto naman na pagdating ni "oso"[kapitbahay namin] bumibili ng lugaw, at take-out pa.

bayaran na...

ako: 'te magkano po lahat? sama nio na rin ung order ni oso.
ate: bale 3 lugaw at isang lumpia... 32 lahat. otso ung lugaw, pati ung lumpia.

wow! galing ni ate sa math, isang mabilis lang nakalkula nia agad un. dumukot ako ng pambayad at inabot ang singkwenta petot.

mulas sa malambot niang kamay inabot nia sakin ung sukli, sampong piso na coins at dalawang mamiso. dose petot??? watda... napatingin ako kay ate, unting-unti gumuho ang imahe ng isang dyosang nilalang. pwedeng pwede si ate, magaling sa addition at multiplication pero talo pala sa subtraction.

pero bago maubos ang magandang larawan ni ate, binigyan nia ako ng isang matamis na ngiti, at mula dun nagliwanag ang lahat. inisip ko na lang na nagbibiro siya at sinubukan nia lang ang kakayahan ko sa aspeto ng matematika. o maaaring nasa dulo siya ng row 4 at di nia marinig habang tinuturo ng guro nila nung grade 2 ang 50 - 32. o pwede rin na may VAT pala ang binili naming lugaw. at kasalanan ko ang lahat, kung sa simula pa lang sakto na ang ibinayad ko di na sana aabot sa ganun. sori talaga.

hinayaan ko na lang ang lahat at di na kumibo. umuwi ako ng busog at may subenir na ngiti at dose petot. haysss, makatulog na nga...

11/03/2008

BT at BP

"BIYAYA!! BIYAYA!!" mula sa isang malakas at matining na boses, isang bata na patpatin at mararamdaman mo talaga na di siya inaabot ng feeding program ng gobyerno. ngunit ito ang hudyat na parating na ang rasyong pagkain na nanggagaling sa may ari ng paburol. halos lahat ng nasa lamay napahinto, magmula sa nasusugal, nag-iinuman, nagkwekwentuhan, nagtsitsismisan, nakikitambay.

may ngiting sinalubong ng mga tambay ang dalang pagkain upang tumulong sa pamamahagi , ito ang madalas bumusog sa kanilang kumakalam na sikmura. madalas kape at tinapay/biskwet ang nakahain, pero iba ang araw na ito, malinamnam at mainitinit na sopas ang nakahanda. sarap. jackpot.

may halong tawanan at kantyawan habang nilalasap ang katas ng biyaya, ung iba nag 2nd round pa, mukhang nabitin. after ng food trip, back to business na ulet ang lahat. ung ibang nanalong sugarol nagpapabili na ng alak. aus. drinking while gambling. ang mga kolokoy dumidiskarte ng pangalmusal, alam kasi nila na panggabi ang libreng rasyon. ung ibang mokong ang daming uling sa mukha, napagtripan ata. hehe. lafftrip.

buhay na buhay ang lahat habang may isang nahihimlay. "wag kaung maingay may natutulog" banat ng isa, sabay halakhak ng iba. iba talaga ang gabi na ito, mejo madaming tao. siguro dahil sa huling lamay na to, kaya buhos ang tao.

iba talaga ang lamay sa mahihirap, nasa tapat ng bahay lang at umaasa sa abuloy ng iba. at kung hindi pa kakayanin lalapit pa sa may mga katungkulan para lang mapalibing. banat nga nung iba "patay na sakit parin sa ulo".

BT: anu kaya ang pakiramdam ng namatay?
BP: malamang wala na, patay na nga eh.
BT: di, ang ibig sabihin ko eh ung kaluluwa nila, anu kaya ang pakiramdam, kung meron man.
BP: abay malay ko di pa ko mamatay eh, try mu kayang magpakamatay tas share mo sakin kung anung feeling.
audience: bwahahahaha.
[pag-uusap ng 2 kupal sa lamay, si boy tanga at si boy pilosopo]


10/23/2008

bawas tao

mukhang mali ung prediction ko nung sabado. kala ko pa naman makakainuman ko sina Francis M. at Jay Contreras. may mga "unexpected things that happens". ang inuman mode na inaasahan ay naging lamay mode.

1st lamay kina den... pasensya na ulet di ako nakapunta, trabaho kc eh. kahit kelan talaga nakaksira ang pagtatrabaho.

2nd lamay kina botchok... pasensya di rin ako nakapunta, wala kc kaming kasabay, di namin alam papunta dun.

3rd lamay sa chapel na malapit samin... pero di ko kilala kung sinu ung namatay at kung sinu-sino ung mga kamag-anak nung mga namatay. at dahil sa malupit na pagkakataon, doon pa ko nakapunta.

sa mga katropa/kaibigan na nawalan ng mahal sa buhay, nakikisimpatya ako. muli, pasensya na kung di ako nakapunta. gusto ko sanang sabihin na "babawi na lang ako next time", kaso parang ang pangit naman pakinggan un.

at kagabi namn merong lamayan again sa compound namin... aus na aus.
-legal na ang pagbibingo na mga nanay na walang magawa. kahit abutin ng gabi.
-legal narin ang tong-its, pusoy at iba pang sugal.
-pede nang magpuyat ang mga tambay at kumalat kalat sa labas. wala ng sisita.
may libre pang kape pag inaantok.

mukhang nagkakabawasan na ng tao sa mundo. sa opinion ko nga, habang tumatagal paiksi ng paiksi ang lifespan ng tao. sa henerasyon ko ngaun, tingin ko nasa 50-60 years na lang ang aabutin namin. un eh kung di ka mapagtritripan ng kapalaran.

10/13/2008

sa darating na sabado

teka mga gays mag-cr lang ako...

mejo hilo na ko, o mas tamang sabihing lasing na ata ko. pero ok lang yan mukhang basta't may pang-uwi pa fyt parin.

at pagbalik sa mesa...

teka sino ang bagong mukha na ito? hmmm... sinipat ko ulet. mejo malabo na ung paningin ko. parang kilala ko pero di ako makasigurado.

"putsa! sinu ung bago kasama natin?" tanong ko sa katabi ko.
"di mu ba kilala yan, yan ung bisita natin ngaun." sagot nia.
"oo nga! alam ko na bisita nga natin sila, pero anu nga ulet name nila" pangungulet na tanong ulet.
"anu ka ba para ka na mang others" tsempre sagot nia ulet un.

mejo nagisip-ipis...
ahhh ok, nakikilala ko na sila!

si Fransis M. at Jay Contreras ung bisita natin sa inuman session di ba?

10/07/2008

galera syndrome

gusto ko sanang isa isahin pa ung galera experience kaso mukhang makakatatlong entry pa ko nun, isummary ko n lng.

meeting place - mejo naligaw pa ako nun, mali pala ung napuntahan ko, "lrt pla kala ko mrt".

kulitan sa bus hanggang sa ferry boat. with picture-picture.

snorkeling - coolness, kung under water nature tripping ang gusto mo, ito ung the best na para sa iyo.

banana boat - miss match namn un! meron mga time na gusto kaming idrop nung driver pero sumablay cia. meron din isang scene d2 na pang youtube, entitled "ay sori, mali, pero pwede". wahahahaha.

inuman session - mawawala ba to? tsempre hinde, kc kelangan pagusapan ang lablyp nila. napansin ko lng [ako lng ba ung nakapansin?] na mejo ganado ko nun, madami akong natanong at marami din akong nalaman. hehehe.

ferry boat - pauwi, mejo exciting lng kc, sa gitna nung biyahe inabutan kami ng ulan. gusto ko sanang kumuha ng lifevest, sure ako na dun magsisimula ang panic mode ng lahat.

bili muna pasalubong bago umuwi, dami nilang biniling pasalubong. kami ni boang[special mention ka pa, tsong salamat sa lahat] vcut ung binili namin, para maiba lng.

dota mode - tsempre di mawawala ito pagnasama-sama ang mga adik, kahit na mejo pagod at walang tulog.

di ko malilimutan ang lahat ng nian, pero lahat ng yan ay naging masaya, napakasaya, ubod ng saya dahil sa mga katropang makukulet at astig. sa inyong lahat kung naririnig nio ko, maraming salamat sa lahat [w/ tears]. sana maulet.

-cheers!

9/21/2008

karugtong

un nga nagkitakits nga kami nung last sabado[sa Mega], kahit na wala masyadong tulog, join pa rin ako.

pumunta ung tropa ko sa opis namen, dati kc ciang nagtratrabaho d2, nangangamusta lng din at sabay na kaming pumunta sa lakad ng barkada. kaso, mejo maaga ung dating namen, tamang tama namn bibili cia ng sapatos, aun hanap hanap muna kami. shopping!!!

tamang kulet sa mga sales staff, kaso di ko maramdaman ung talent nila sa pag sales talk, parang wala lng. dami din naming nakitang unique na style ng sapatos, merong pahirapan sa pagsintas ung 3 kulay ung sintas tas ginawang baneg at meron namn na pangmaharlika, ung kulay ginto ung style, d pede suutin sa madidilim na lugar baka maholdap ka.

dumaan din kami ng power books, bumili cia ng book [nga pla boy bigtime ung kasama ko, cnasamahan ko lng mag waldas ng pera]. ung black book ni bob ong, meron ako nun ipapahiram ko n lng sana sa kanya kaso nawawala eh[kunin na sana ni Hudas ung d nagsole,,, joke!].

5pm ung call time, 530 na kami dumatin, at gaya ng inaasahan late pa rin cla 6pm ung iba, ung iba namn halos 7pm na. wala talagang plano nung mga oras na un. inum n lng ulet? maraming d pede. dota? merong isang kaming kasama na babae na d marunong pero ok lng daw, kaya un na lng.

dota sa pasig, mejo nakarami din kami, umabot kami ng mga 1am sa shop. tas kain sa mini stop, tas kanya kanyang uwi na. ngaun lng ako naka-experience ng kung cnu ung merong sasakyan cia ung hinated sa bahay. hehehe.

tas nakiobernyt na lang ako sa bahay ng tropa, wala ng kwentuhan, talagang pagod na ko, mejo bumibigay na rin ung mata ko, halos dalawang araw na kong gising, kaya pwesto agad ako para matulog. 8 am nako nagising, mejo nagmamadali na rin ung kasama kong nakitulog kaya sibat agad kami.

pagdating sa bahay, mejo nasermunan ng onti, nakimutan ko palang magsabi na di ako makakauwi. hehe. sory. kaen lng saglet sabay tulog ulet. pagkagising ko dun ko lng naramdaman ang sarap ng buhay.

9/19/2008

market market

uwian na!!, un ang akala ko. ng biglang...

(08:08:25 PHT) jeck: dyan ka pa?
(08:08:32 PHT) rofel: uu
(08:08:34 PHT) rofel: ?
(08:08:40 PHT) rofel: pauwi n ren
(08:08:50 PHT) jeck: kung magiinuman sasama ka ba? ngaun?
(08:08:56 PHT) rofel: pwede
(08:08:59 PHT) rofel: baket>
(08:09:12 PHT) jeck: nagiipon ipon na ang mga lasenggo.
(08:09:13 PHT) jeck: hehehe

un nga lang habang naiintay ako ng update, nagiinum na pla ung semi boss ko w/ his underlings . kaya napainum na rin ako sa kanila. at dali-dali na kong umales nung narecieve ko na ung update.

kitakits sa pioneer, ung may videoke sana ung trip nila, kaso alang available. kaya nag market market[shaw] na lang kami.

tagay, onting patawa, tagay, kwentong lovelife, tagay, ihi, tagay, kantyawan, tagay, pigil ebs, tagay, kwentong bulol na[pero di pa cla lashing]. ganun ganun lang mejo nakarame kami. at himala buhay pa ko. cguro mga 4am din kami natapos, d ko na namalayan ung oras.

nakitulog muna saglet sa ibang bahay. aktsuwali, parang pahinga lng ung ginako nun kc 5am kami dun dumating at mga 6:30am ako umalis. pagdating sa bahay 10 mins pahinga tas ligo tas ales ulet para pumasok.

mejo maaga ko kaya natulog muna ko, nung mejo dumadami na ung tao, lipat ako ng pwesto pra matulog ulet. kaso may kupalugs na umistorbo. mejo naalimpungatan ako nun kaya nahirapan na ko matulog ulet.

mmya may kitakits ulet kami, mejo masaket pa ung ulo ko. pero ok lng.

lesson learn: praktis makes you better lalo na sa inuman. tsaka wag kang magpapauto sa trip na kasama mu, lalu na kung contest ng laklakan. cheers!

ilang percent ung... 2% hehehe

ps: roll di ko sadyang ibuko ka, kala ko kc alam n nila,,, sory [peace]

halo halo sa tag-ulan

walang mai-post na matino, kaya eto na lang. eto ung mga naglalaro sa isip ko sa mga oras na ito:
hmmm...
- malapet na ung outing ng tropa papuntang galera
- yahoo!!!
- kelangan magtipid, pambayad papuntang galera
- tang-inis ung isa kong katropa, 'money is not an option' pa ung banat nia
- sila ata ung mga taong di nakaranas ng gutom at ang taxes nila sahod ko na
- sa wakas matutuloy na din ung outing namen
- dati pa kc kami nagplaplano. puro plano lang kc kami dati
- wala lng kotra-bulate
- lilipat na kaya ako ng trabaho?
- d pa kc nag-iincrease ung salary ko
- antayin ko na lng matapos ung bonus, sayang kc eh
- ang bagal namn ng oras para makauwi na
- kamusta na kaya cia
- mukhang broken hearted eh
- hayzzzzzzzz
- hehehe ^__^
- makapagDota pa kaya ko mamaya?
- bat' pa kc may pasok ako tuwing saturday? tanginis
- tanginis talga!!!
- makapagcokefloat nga mamaya.
- kahit na mejo malamig
- walang agawang trip
- hmp!
- ala na kong maisip
- pero 10 mins pa bago makauwi
- nga pla WGT sa cyberzone megamall sept 27-28
- pupunta ko jan
- di ko kc nabalitaan ung sa WCG
- nakakapanghinayang
- chika ng chika ung kaopismeyt ko
- pero ala ko sa mood na makipag chikahan
- at di nia un nahahalata
- 3, 2, 1, enggggggggggggggggggggggggg
- uwian na!!

9/02/2008

project-lafftrip-laffapalooza || panalong entry

ako po ay malugod na sumasali sa Project Lafftrip Laffapalooza ni Sir Badoodz para sa ikakatahimik ng buong sangkatauhan. at ito ang mga napipisil ko na makukulit na blogs...

1. the invicible man - gasti : di lang pampamilya, di lang pang sports, pang barkada pa.
2. the great - maldito : ang kaisaisang relihiyosong blog na nabasa ko, kahit na marami ang ayaw maniwala at isa na ako run.
3. chillidobo : almusal sa umaga, kapalakpakan sa tanghali at kaututan sa gabi.
4. jeck - astiging mamon : one of a kind, lalaki na tomboy pa, san ka pa nian.
5. xG - chiksilog : la na kong madagdag eh, pang laban na lang ke inday di na kc nga-update.

madalas na lurker lang ako, minsan lang magcomment. pero sila ang gumigising sa malungkot na buhay ko dito sa opisina. ipagpatuloy nio paghihimagsik ng katatawanan. ya!!! ha!!!

8/27/2008

lumpiang sariwa

mukhang masarap,,, lalo na nung lagyan ng sauce na may bawang at mukhang matamis...
shhhulp! yummy!

yan ang unang impression ko ng makita ko ung lumpiang sariwa sa canteen. kahit na di ako palakain ng gulay, at dahil na rin nagsisimula kong baguhin ang kinaugalian na di pagkain ng gulay, bumili ako nito. at dahil alam kong may makakasabay ako sa pagkain sa pantry, dinalawa ko pa ang order ko nito, for the sake of sharing.

pagdating ng tanghalian...
parang wala sila, ung mga madalas kong makasabay may pinuntahan ata. aus! solong solo ko ung lumpiang binili ko. pero nung pagdating sa puntong tinikman ko na,,, putsa ganun pala lasa nun [first tym ko kumain nun, pramis]. mejo di kaaya-aya ung lasa, pero pinipilit kong tanggapin baka sakaling magbago. subo pa ulet. mejo tumataas na ung balahibo ko, pero baka sa umpisa lang un. subo pa ulet. di parin nagbabago ganun paren. subo pa ulet. parang di nakaya ng tiyan ko. subo pa ulet. sabay lunok tas inum ng tubig... hay 1 down.

di ko sinubukang kainin ung pangalawa.

pagkatapos nun mejo sumama ang timpla ng tiyan ko, parang nagaaway-away ang mga lamangloob ko. nak ng... najejebs pa ata ko.

pakikiramdaman ko na lang muna pag di na kaya, ilalabas ko na to.

malas... kaya ayokong kumain ng gulay.

8/01/2008

walking trip

pagkatapos ng inuman session ng barkada sa metrowalk, tsempre kanya-kanya ng sibat.
halos karamihan samin sa pasig umuuwi, bale 2 kami ni kosa na pa cubao ang way.

pinauna namin sila umuwi, inantay namin sila hanggang makasakay ng taxi. mga 2am na ng mga oras na un kaya sa malamang wala ng pampublikong sasakyan.

after nilang makasakay, nagdecision namin na maglakad papunta sa sakayan ng bus[G-Liner biyaheng Quiapo]. kaso sa kasamaang palad mukhang wala na talagang dadaan na bus. isang malupet na decision nanaman, lakad ulet papuntang robinson for sure na un na meron bus na masasakyan. pero mejo- mejo mahaba din un nilakad namin, natanggal nga ung tama ng alak. 5 bote lang ng sml un nainum ko pero tinamaan ako, mahina talaga ako uminum kaya di na ko nagtaka nun.

nakarating din naman kami sa sakayan ng bus ng papuntang edsa. halos lumilipad kami nung naglalakad, dahil kaya un sa kaba na baka ma-rape kami? oh noh.

pagdating samen, aba wala ng tricycle na nakatambay. at dahil mukhang nabitin ako sa walkathon na ginawa namin. lakad ulet ang nangyare. halos 3am na ako dumating samen.

partida mejo umaambon nun.

at nakapasok pa ko sa opis, 9am ako dumating, di ako late. ^__^

allhopeisgone

this is it!
sa tingin ko ito ung tamang pagkakataon, sigurado na ko sa nararamdaman ko.
hindi naman ako naghahangad ng kapalit [pero mas maganda sana kung meron], masabi ko lang ung tunay na nararamdaman ko,, eh OK na ^__^

give me sign!
isang malupet na pagkakataon ang nabigay sakin, akalaen mung mas maaga ciang umales saken, pero nakita ko pa cia sa sakayan ng bus. senyales na ba ito? at nang pupuntahan ko n cia, ooops,, teka parang meron ciang bodyguard na kasama. hmmm... baka kakilala lang. pinipilit ko paniwalain ang aking sarili. ng dumating sa puntong...
magkahawak ang inyong mga kamay
ang dibdib ko ay sumikip
ang paglunok ko ay naipit
- "Sayang" by PnE


sorry not available!
taena, malay ko bang may BF na cia. madalas kaya kaming nagkakasabay pauwi, at kahit sa pagpasok nakikita ko rin cia. wala naman akong nakikitang tiga-sundo't hatid. gusto kong magsenti, gusto kong maluwa, gusto kong maiyak. pero bakit di ko magawa. parang naiipon lang ang lahat, at naidadaan lang sa tawa. hehehehe.

it's over!
at ang pinakamalupet, may bali-balita na nagpasa na daw cia ng resignation letter, kasabay ng isa pang employee. di ko alam ung dahilan, at sa malamang di rin ako ung dahilan. cnu ba naman ako? i'm just nobody. pero gusto ko na cia ung lagi kong nakikita, lagi kong nakakasabay sa pag-uwi at pagpasok, laging kasabay kumain, laging kausap. [inhale]... [exhale] hayz...

gaanu kasaket ung malalaman mu na mahal mu pala cia kasabay na malalaman mu na may minamahal na pala ciang iba?

7/26/2008

hapy bortdey BOSS!!!

sa 27 pa ung b-day nia, pero kahapon siya nagcelebrate kasama ang company employee. sa bahay ni boss ginanap ang munting salo-salo[parang mini-fiesta narin sa dami ng handa]. "attendance is must", kelangan lahat ng employee andun, at absent daw para sa araw na un pag di ka pumunta.

ok lang sakin, kahit na may pasok pa kami kinabukasan. basta't libre pagkain at alak solb na. may mini presentation pa ang kabilang department, sumayaw ung mga oldies ng pangkapanahunan nila. walang kwenta at parang nagpatawa ang ginawa nila. kung ako ang anak nila, simula ng oras na un maiisip ko na ampon lang ako, at maaring matakwil ko pa sila. pero kahit ganun ang performance nila, nakatangap sila ng tig-1k each, swerte!

nung bandang 11pm na,[10pm palng plano ko ng umuwi] nagpaalam na kami sa b-day boss na uuwi na kami, at dahil sa lasheng na sila, di kami pinapayagan na umuwi. licenciado kami ma-late sa saturday. pasado 12pm na kami pinauwi, 1am na ko dumating samin.

pagkagising ko, 8am ng umaga, saka ko lang napagtanto ung mabilis na pangyayari kagabi. may nabigyan ng 1k, ung mga matatandang hukluban na dinaan sa tawa ung pagperform. taena! sayang ung pera na binibigay sa mga magpe-perform. putsa kaya ko rin naman mawalan ng pride ng ilang minuto sa tamang halaga. badtrip!

gaya ng dati, astig,,, masaya,,, makulet,,,malupet,,, at sabog ang lahat. habang tumatagal mas nakikilala ko pa ung mga boss at mini-boss ko.

ps: sa susunod na occassion, maghahanda rin kami, sa ngalan ng pera $_$

6/23/2008

Someday

habang tumutugtog ang awiting "someday" by nina...

cia: nakakaiyak naman ung song.
ako: huh? nakakiyak?
cia: uu. naiiyak ka? dadamayan na lang kita.
ako: ahhh... ok.

nung time na un, di ko maintindihan ung mga cnasabi nia. ang alam ko lang, tungkol ito sa background music na pinakikinggan namin. pagdating sa chorus, sinabayan nia ung kanta...

"Coz someday, someones gonna love me
The way, i want you to need me
Someday,someones gonna take your place
One day ill forget about you
You'll see, i wont even miss you
Someday, someday"

awts... parang mukhang may past pa cia na di makalimutan. gusto ko sanang sabihin na kung pede ako na lang ung someone na un. ang hina ko ko talaga. amf.

6/22/2008

saturday-sunday action II

after opis...
gaya ng dati, may kita-kits na naman ang tropa. this time sa cubao naman, pero di kami pumunta dito para magpakabaliw sa panandaliang aliw o maglaro ng apoy, kundi maglaro ng computer games.
dahil sa 3pm out ko sa opis at 4pm pa ang call time namin, at siguradong male-late na naman sila [ganun samin ang mauna may tae sa pwet], tumambay muna ko sa megamall.

4:30pm dumating ako sa meeting place, magaling wala pa silang lahat. 5pm sila dumating at nagsimula na kaming maglaro. halos 9pm na kami na tapos, enjoy naman ang kinalabasan kahit na 5 lang kami. at nagyaya sila na mag-overnight sa bahay ng isa naming katropa. nag-iisa lang daw kasi un sa kanila at mejo nakakatakot daw dun sa haus nila kaya nagpapasama. nakakatakot? sana kung hunted haus un na gaya ng napapanood ko sa mga horror movies. malamang matakot ako.

pagdating namin sa tapat ng bahay [mga 10pm na 'to], ito ang tumambad sakin,
isang malaking bahay na may kalumaan na may katabing isang malaking puno, at dumagdag pa ang kadiliman at buhos ng ulan. taena asong umaalulung na lang at perpek set up na. parang napanood ko na to. magkakaibigan na naligaw at pumunta sa isang bahay na puno ng lagim at isa-isang papatayin. hayz, kung hindi lang ... hindi ako pupunta dun.

kakabarnis lang nila sa bahay at di pa masyadong tuyo, kaya dun na lang kami sa dining area. dun kami naglatag ng matutulugan at dun na rin namin nilagay ung tv. tsempre kain muna ng late hapunan, mga 11pm na un, tas laro ps2 at psp ng magsawa, nood naman ng pirated dvd movie "kung fu panda". at para makompleto ang aura ng katatakutan, nanood kami ng horror movies. habang patay ang ilaw inumpisahan naming panoorin ang "one miss call", di naman siya sobrang nakakatakot at slight lang, at mukhang napansin din nila un kay di na tinapos at pinalitan na nila ng bago, "the grudge II". promis natakot talaga ko nung unang napanood ko un, pero dahil 4 na beses ko ng napapanood un mas naging interesado ko sa istorya.

2pm na ata kaming natapos sa panonood at dahil sa inaantok na kanya kanyang hilata na ung iba. tinatamad pa kong matulog[uu tamad talaga ako kahit sa pagtulog], nanood muna kami ng korean movie "my sassy girl". maganda ung bida sa istorya, kaya nakuha ang attraksion namin. 3 na lang kaming nanood ng mga oras nito, si mr. bigote, cheeky bones[dati] at ako.

habang sa kasarapan ng panonood sa loob, sa labas naman ay bumubuhus ang ulan at humahapas ang malakas na hangin. ng biglang... BLACK-OUT!!! putcha, parang bumagal ang bawat segundo, nagkatinginan kaming tatlo, iisalang ang na sa isip namin:
ako: "multo"
cheeky bones[dati]:
"multo"
mr. bigote:
"multo at mga babaeng naka 2-piece"
sabay talon sa mga natutulog, o di ba gising silang lahat. wahehehehe. at dahil sa hindi na rin sila makatulog tamang sharing na lang sila ng mga lovelife. at pagdating sakin, wala silang napala, alam naman nio naman na loveless tau. halos 5:30am natapos ang kwentuhan. at nasimula ng matulog.
pagkagising mga 10am na ata un, tsempre luto muna ng pagkain. dahil sa walang kuryente, nagtry namagluto sa kaldero, ilang mins ang nakalipas mejo nangamoy ung sinaing, sunog na? pagbukas nung takip, amoy sunog na nga, pero ang dami pa ng tubig. parang may mali, kaya tinapon nia ung tubig ng sinaing at hinugasan ulit. wahehehehe. panalo. mahusay. san ka pa? aus din naman masarap ang kinalabasan.

mga bandang tanghali pinagpatuloy namin ung panonood ng "my sassy girl". mejo nagtagal din kami dun, dahil sa sobrang lakas ng ulan inantay pa namin tumila ito, pero mukhang walang pag-asa, kaya sinugod na namin ito ng mejo kumihana. at nakauwi naman kami ng ligtas.

pagdating sa bahay nanonood sila ng prison break II. wala naman akong ibang mapag-aabalahan kaya join na lang din ako. badang 11pm nagkayayaan uminum, ako, si utol, 4 na pinsan, at 4 na grande. un lang ang kaya ng budget ko. ako ung finanser, ako lang kc ung may trabaho, 12am tapos na mejo tinaan din ako, sila prang wala lang, praktisado.

pagkagising wala na ung espirito ng alak, balik opis nanaman, balik trabaho. see you next week end.

taena ang haba na naman kakahingal. 2 araw ata un.

6/20/2008

Coming soon...

If an Angel and a Devil were to fall in love...
Can their Love transcend the laws of heaven and hell?
Can the Angel set her wings on fire?
Can the Devil soar at daylight?
Can love change what isn't meant to be?

anung klaseng tanong yan?
tsempre isang malaking "UU".

pero bakit parang di ko masimulan?
bakit di ko subukan?

takot?
duwag?

ahhhh ok alam ko na tawag dun... "KATORPEHAN" amf!

kelan kaya magkakaroon ng lakas ng loob?

sana malapit na.

6/18/2008

standard 101

ganun pala sa mga nag-uumpisang pa lang na company. mejo marami pa ang di standard rules, gaya ng...
-time
dito ko pinakatalo, madalas akong late, mas gusto ko kasing nakikipaghabulan sa oras. pramis ganun talaga ko. pag-alam kong masyadong maaga ako, babagalan ko ung galaw ko, pipiliting umabot sa grace period. kc nga para san pa un kung di gagamitin. tsaka wala namang dagdag sahod para sa mga maaaga. kahit pagbreaktime basta nasa range 12 - 2 pm pede kumain. aus d ba? minsa nga kahit 2 hours ka magbreak ok lang wag lang papahuli. wahehehe

-task
dito ako na ung programmer, technician, graphics artist, network admin at janitor [sideline ko bago umuwi]. dahil na mejo magkakaugnay din sila at mejo lumilibot sa mundo ng computer, sakin nabigay ng kapalaran na gawin ang mga trabahong yan. kung per individual task din a bayad, e di sana nakakamal na ko ngaun ng limpak na limpak na salapi, kaso hindi. huhuhuhu.

-position
umpisa palang ng pasok ko dito, nalilito na ko kung sino ung tatawagin ko na boss/sir/maam. di ko alam kung anu ung mga position ng bawat employee, kahit sila di rin nila alam dahil sa dami ng position na pedeng i-claim dahil sa overloads nila. wala rin kasing uniform pattern/coding scheme. tanda ko pa dati napagtripan ako ng makulit na utility namin. akalain mu ba naman nagpanggap na boss at ako naman si tanga naniwal at sumunod sa utos. next time babawi ako. hehehehe.

madami kelangan iimprove at idevelop dito, at isa ko sa mga tutulong dito. di ko lang alam kung pataas or pababa ang magiging resulta ng aking gagawin.

Salamat Boston

mejo swerte ako ngaun sa pwesto ko sa taas [heaven], dati nasa baba ako [hell]. dalawa kasi ung opis namin dito sa building, isa sa ground floor at isa sa 12 floor. dito na ko sa 12 floor. hep.. hep.. hep. di ako napromote at di rin tumaas ang kakarampot kung sweldo at lalong-lalo na hindi ako mabait na bata kaya nilipat ako sa heaven. nilipat ako kasi ito talaga ung company ko [group of mini-company kc dito]. dati nakikigamit lang ako sa hell, parang isang timawa sa gililid.

mas ok ang mga employee dito, halos nasa generation ko at may mga panalo, at ung mga boss at mini-boss lang ung mejo may edad. di gaya sa hell, patandaan ang drama. akalain mu ba naman ung isang employee na batch 1950's, siya pa ung kumukuha ng mga employee na kelangan, at ang mga amiga nia ang mga pinagrerefer nia. sa kasamaang palad natatanggap sila. parang home for the aged na tuloy sa hell.

isa pa, sa masayang part ng heaven, hindi kuripot ung mga tao, lalo na kung fudtrip. tsaka halos every week parang may celebration at pag may celebration may pamerienda. tamang pizza o ice cream solb na kami. basta't may bonding time, un ang mahalaga. sharing ng experience, lovelife at jokes [karamihan mais]. wahehehehe. may sense of humor sila na ngaun ko lang nakita, kala ko ako lang ang sira ulo dito, un pala may mga semi-adik din pla.

karamihan dito sa heaven ay gurl, mahihina kumain. tsempre sa una pa-shy type ako, kaso nasasayang ung pagkain kaya di tumagal
ako ung taga-ubos. solb. wahehehe. meron pa ngang ice cream sa ref, nakakahiya naman lantakan ng lantakan. sabi kc nila panghimagas na lang daw un after lunch, pero kung samin un, di na aabutin un ng tanghalian. umaga palang ubos na kahit na wala pang kinain at sumakit ang tiyan.

ngaun... may pa-pizza na naman, galing sa boss ko. nakipagpustahan kc sa nba finals sa mga co-boss din. tsempre dahil sa nangako cia na pagnanalo ang team nia magpapa-pizza cia, kaya ung iba samin na mabuting bata, akalain mu ba namang isama pa nila sa dasal un. pero prayer granted namn eh. wagi ang koponan ni boss at busog nanaman kami. kaya... salamat boston.

ps: hirap mag-isip ng title, ganun ba talaga un??

6/15/2008

saturday-sunday action

09:00 am - 03:00 pm
kahit saturday may pasok kami, pero ung mga boss namin wala, mejo unfair nga di ba? habang nagpapahangin sila ng kanilang mga betlogs, andito kami ngaun sa opis kasama ng ibang employee para tumunganga
magtrabaho. may advantages din naman tuwing saturday work. dahil wala ang mga boss, mini boss at feeling boss pedeng magpatugtog ng malakas, magyoutube at magbasa ng manga online ng walanga huli. Pero di ako nanood ng porn, promis!
nagkayayaan na manood ng cine, kita-kits daw sa megamall 5-6 pm sa megamall. di pa decided kung anu ung panonoorin. dun na lang daw sa mega pag-uusapan.
03:00 pm - 07:00 pm
3pm palang nasa mega na ko, mahaba-habang oras pa ang uubusin ko. buti na lang at may custume play sa megatrade. aus na aus. ang daming magagandang custume at ang madami ding naggagandahan chiching nanaka chinese school uniform, ung nakamaiksing palda. panalo. mejo napahanga din ako ng mga un. makikita mung pinagastusan, pinaghandaan nila ang kanilang pagdalo. makulet at malupet. may mga bata rin na sumali at meron ding parang napadaan lang.
6pm na wala pa ring balita kung saan na ung mga kasama ko. wala akong load kaya di ko sila makontak, sa instinct na lang ako aasa. pero inaasahan ko na madaming late, expected ko na na mga 7 pa sila darating kaya relax parin ako. 7pm pa na nung kinuntact nila ko. nasa foofcourt na pala cla nag-aantay.
07:00 pm - 08-00 pm
habang nag-aantay pa sa iba, tamang kwentuhan muna, tamang plano sa mga susunod na "out of town". take note sa MGA susunod na out of town, uu marami kaming plano, pero mukhang wala magaganap, tsaka "out of town" talaga di na outing ung tawag mejo classy at sosy na ung usapan, tamang bigtym na sila. ako tamang tawa at kinig na lang sa kanila.
wahehehehe.
8:00 pm - 11:00 pm
napagdesisionan na "the incredible hulk" ang panonoorin. after manood, ang hatol... hmmmm ok na din. may mga humabol pa na katropa ko na galing sa ibang lakad. mejo dumami na kami at dahil sa matagal na ting kaming di nagkakasama na ganung kadami. nagkasundo na overnight DotA. wahehehehe. onting kain, sabay larga na agad papuntang pasig.
11:00 pm - 06:00 am kinabukasan na 'to
DotA 5vs5 ang sarap nito,
umaatikabong laban ang nayari, lahat ay ganado at lahat ay nagsasaya. kaso after ng 2 games, madami na ang tinatamaan ng pagod at puyat. pagkatapos ng 4 na games mga 4pm na rin un. may 2 na umuwi. mga 5:30 am na kami natapos, onting kwento sabay paalamanan na. ung iba hindi na kumain, malapit na raw kasi dun sila, saka ung iba baka raw di makatulog pagkumain pa.
06:00 am - 09:00 am
dahil sa malayo dun ang bahay ko, nasa pasig kami at valenzuela pa ko uuwi. ang layo di ba? kelangan ko kumain, may mga kasama din naman akong malalayo ang bahay kaya kumain na rin sila. at buti na lang kasama kong kumain si mr. bigtime kaya nakalibre ako ng almusal actually lahat kami nilibre pera na lang dun sa mga unang umorder na nakabayad na. wahehehe. after kumain diretcho uwi na. 9am na ko umuwi na mejo masakit na ang mata dahil sa antok.
09:00 am - 11:00 am
tangenang tulog yan 2 oras lang, ang ingay kasi sa labas, malapit lang kami sa basketball court kaya dinig ko ang sigawan nila. at isa pa "shit sobrang init abot s*ng*t", grabe ung pawis na inabot ko, d kinaya ng elektrikpan. kaya pagkabangon ko ligo agad para refreshing.
11:00 am - 01:00 pm
gusto kong matulog pero di na ko inaantok, mejo nabuhay na ung dugo ko, pero ang mata ko mejo masakit pa rin. nag-iisip ako ng way para antukin. magbasketball kaya ako? wow ang taas ng araw, sabay basketball di kaya ako mamatay nun? hmmm... magDotA na lang kaya ulit? kaso masakit na ung mata ko eh. nanonod ung pinsan ko ng anime, makanood nga bakasakaling antukin, kaso ung pinapanood nia "detective conan" amp mejo maaksion di ako makakatulog nian. foodtrip... un ung last resort ko. nagpaluto ng 3 pansit canton, ahhh sarap busog at inaantok success!
at dun ko napatunayan na isa sa best thing in life is matulog ng busog, iwas bangungot lang. wahehehehe.

-"you don't like it when i'm hungry" ^_^

5/12/2008

Summer get away [Bataan Battle Challenge]

Wahoooooo!!! Sa wakas dumating na rin ang pinakahihintay naming lahat dito sa opisina... ang aming company outing. Isa pa ulit, Wahooooo!!!

Maaga palang umalis na kami dito sa manila, 7am kanya-kanya ng alis ang mga sasakyan. Mabilis lang ang biyahe talagang masyadong malayo lang talaga. Astig nung bagong express way sa North, imagine hinati ung mga bundok para madaan lang. Aus din ung mga tanawin sa biyahe.

Almost 10 am nasa subic na kami. At swerte nakita namin si idol "Iya", katatapus lang ata magjetskie. Hmmmm... panalo talaga with swimming outfit with matching wet look, hayzzzz. Nung nakasalubong ko nga siya parang nastock up ako, di nakagalaw, sayang kahit pa picture lang sana.

After mag lunch sa subic, diretcho n kami ng bataan. Un lang mejo mahirap pala ung way ng papuntang Bataan white corals. Mejo naligaw kami ng onti, ang gulo kc nung map na dala namin, bitin sa instruction. Pero sa kabutihang palad nakarating naman kami sa takdang oras.

Saktong 2pm nasa resort na kami, malaki din naman ung lugar, maaus din naman ung mga kwarto. Sayang nga lang kc hindi white sand, saka sobrang alat nung dagat... teka dagat nga pala kaya expected na un. Kaso pati ung swimming pool maalat din parang kinuha lang ung tubig sa dagat. Mas ok sa pool kc ung temperatura nia mainit. Sakto parang pinapakuluan kami, maalat na ung tubig tas onting vetsin pede na kaming ihanda sa lamesa. Yummy.

Madaming tao sa resort kaso walang panalo, or di ko lang makita ung mga panalo. Sa kabilang resort madaming panalo kaso may kasamang alalay (bf nila ata un). Tamang window shopping na lang di pa naman ako ganun kalakas para makipagpalakasan.

Di ako mas yadong nakipagbonding sa mga kacompany ko, kung saang wala sila andun ako, un ung trip ko nung araw na un. Susulpot na lang pagkakain na. Pero nung mga bandang kinagabihan na mga 11pm, sumabay na rin ako sa videoke nila. Ang totoo talaga umiiwas ako sa alak nung time na un. Kaso dahil ang mga boss namin ang isa sa mga greedy sa alak. Aun lahay ng empleyado kelangan lasing. Di rin ako nakatakas. Sari-saring alak ang pinapainum sau, at ung mga boss pa mismo nagchecheck kung may laman pa ung beer in can na hawak mo, walang ligtas talaga.

After nilang matapos magsawa sa kantahan at dahil dala na rin ng kalasingan, kanya kanyang pasok na sila sa rum nila 2am na ata un. At ang natira... hehehe tsempre ako na lang. Sinolo ko videoke tas mejo nilakasan ko para walang tulugan. Mga 30 mins palang ang lumilipas may lumabas na ibang tao, tas nakikiusap na kung pedeng pahinaan daw ung videoke, at dahil sa mabait ako at napansin ko n rin na mejo tahimik na rin ang resort, hininaan ko. Hanggang sa dumating na lang ung maglilinis ng cottage na pinag gamitan namin, soundtrip parin ako. 3:30 am n ko natapos, mejo malamig kc. Sayang sarap sanang mag bonefire dun kaso wala kong kasama. Mga weakling talaga ung mga kacompany ako. Last man standing parin ako. bwahahahahaha.

Umalis kami 10 pm sa resort, sa subic na lang daw ulit kami kumain ng lunch. Kaso ang dami ng tao, halos puno ung mga resto. Kaya napagpasyahan na lang na sa express way na lang kami kumain. Kaso isang trahedya ang nangyari. Ung sasakyan namin van tumirik sa express way bandang 11am. Badtrip. Ung ibang tao pinalipat sa ibang sasakyan, ang kaming magigiting nag-antay ng wreker na pedeng kumuha sa sasakyan.

Halos naubus ang panahon ko sa nangyari na un. Intay ng wreker + dinala sa shop na malapit + nagcheck kung maaaus pa ung sasakyan + kelangan ng parts, hanap ng available parts = walang nangyari. Iniwan na lang ung sasakyan, babalikan na lang daw. Buti na lang at nasamin ung mga pagkain. Inihaw namin ung mga tirang isda at porkchop. Sulit, fudtrip, un ang nagin libangan namin hanggang 4pm.

Di pa pala tapos ang delubyo, patayan pala ang pagsakay ng bus na papuntang manila. Mas masahol pa sa mrt tuwing umaga 7:30 na ata kami nakasakay at 10 pm na ko nakauwi samin. Hay buhay, la kong na pala sa trip na un. Sana kung bibigyan ng bonus ni boss ung mga nagpaiwan pra ihatid ung sasakyan.

Masarap, masaya, nakapagod ang outing namin, adventurous and excitng ang mga nangyari. Enjoy mula umpisa almusal sa opis hangang maging basang sisiw sa terminal ng bus. Ang pinakaimportante dun, nakita ko ung pagiging abot kamay ng mga boss ko. Makulet, malupet at ang sabog ang lahat. Alak pa!

4/27/2008

Summer Slam VIII "forever"

Saturday ng umaga naghahanda ang buong tropa para sa pakikipagdigmaan sa mga rakista ng dadalo para sa summer slam na gaganapin sa amuranto stadium, wohoooooooo, exciting. Kaso nung bandang tanghali biglang bumuhus ang ulan... nak ng panu yan magigigng maputik ang ground. Buti na lang naging di tumagal, mga 10-20 minutes lang ang nangyaring pag-ulan, maaga pa sigurado matutuyo din yan. Hehe.

At ayun na nga, 5 pm nasa amuranto na kami. gaya ng nakaugalian kain muna kami sa labas[bawal kasi magdala ng pagkain sa loob], kung baga fulltank muna kami. After kumain diretso na kami sa loob, dun na mismo sa loob yung bilihan ng ticket. Pagdating sa inspection, nak ng nakumpis yung baunan ko [galing pa ko nun sa trabaho]... huhuhuhu. Sayang, sa malamang di ko na makukuha yun. At isa pang nakakapanghinayang, yung souvenir scarf na pinamimigay di kami naabutan, ubusna! huhuhu. Pero ok lang, bawi na lang sa ibang freebies.

Gaya ng dati... magulo, maalikabok, amoy-pawis at nakakapagod na summer slam pero masaya at enjoy parin ang kinalabasan. Astigin parin ang mga pinoy rock bands, at yung mga guest na foreign bands nilangaw. Hehe, ok din naman sila kaso di makarelate yung iba sa tugtugan nila kaya di makasabay. May pakulo pa naman yung isang foreign band na magbibigay sila ng isang electric guitar para sa pinakamalupit na nakikipagslaman sa crowd. Tsempre as a pinoy... maraming di naniwala at isa na ko sa mga yun. Kaso apter ng pagtutugtug nila... akalain mu nagbigay nga ang mga mokong elec guitar. Nak ng panghihinayang nanaman, kaso nung na silip namin kung sino yung nabigyan... yahahahaha! mukhang kano rin, anu to kasabwat lang? bwahahahaha. Mukahng pautot lang yun... hayssssss[relief].

Mula 5pm-4am napunta kami sa ibang dimension, mula kamikazee[first band na naabutan namin] - chicosci [last band na tumugtog] inenjoy namin, nakipagbasagan sa queso, intolerant, slapshock, urbandub, soundtrip sa kjwan, pedicab, sandwich, moonstar88, pinatulog ng foreign bands, binuhay ng greyhoundz,sin,valley of chrome, saydie, typecast. Sarap ng feeling.

Next year, kita-kits na lang ulit. Babawi ako sa souvenir at sana mas maaga para sulit na sulit. Mabuhay ang pinoy rock bands!

4/07/2008

Summer get away. [splash it out!]

Linggo ng umaga, ginising ako ng isang istorbong miss call sa cellphone. at nung tiningnan ko kung sino ang bading na balahura ang ng istorbo sa aking masarap na pagkakatulog..."dota-naig". madapakshet!!! may swimming pala kami ngaun, 6:30am na at ang usapan namin 6:30-730am sa cubao,hi-top. wow! wala man lang gumising sakin, nasabihan ko naman ang buong pamilya tungkol sa lakad ko... ahhh kaya naman pala, ako pa ang pinakamaagang nagising lahat sila nakahilata pa sa higaan nila. ako tuloy ngaun ang nagmamadali, tsk..tsk..tsk.. buti na lang inihanda ko na ang mga dadalhin kong gamit kaya mejo di ako nagpanic. 7:00am na ko naka-alis samin, mga 8:00 am na ko dumating sa tagpuan at gaya nanginaasahan ako na lang ang inaantay. hehehe.

At eto na nga, natuloy din ang aming summer swimming at ang destination... "Splash Island". Yahoo!!! perstaym ko dito kaya mejo eksayting. 1 month namin ito pinaghandaan, kaya kitang kita ang matagumpay na resulta.
- madami kami, 15 person ang sumama, tas may humabol pa na isa na taga-laguna, kaya a total of 16 person. marami kasi na nakapagleave ng maaga sa trabaho , ung iba naman mas maagang tinapos ang mga work project. mas maganda na kesa nung sa 8 waves na walo lng din kami included na dun ung driver.
- mas maaus ung sasakyan at mura pa ang rent. kung dati eh jeep lang ang gamit namin tuwing outing ngaun isang malupit na
(nakalimutan ko model un pero parang) Starex type , "big time". mas komportable dito, may aircon pa kaya relaxing talaga ang biyahe. max 16 person ang kasya dito at dahil may mga dala pa kaming pagkain nagdalawang sasakyan pa kami.
- mas madali ung paghahanda ng mga pagkain. iba na ang teknik namin ngaun, toka-toka na lang ang paghahanda, di gaya nung dati sa isang bahay gagawin ung pagkain kaya malas mo pag ikaw ang may mabait na puso na magvolunteer na magluto ng pagkain dahil sa malamang di pa nag-uumpisa ang araw pagod ka sa dami ng ung ginawa.

Maaga ang dating namin sa destination, d pa bukas ung water park andun na kami(di naman kami ganung ka eksayted).pagdating namin dun, as usual hanap muna nang magandang spot para cottage. Mejo malaki din pala ang splash island, at marami silang islayds at ito ang the best part ng water park na 'to. kaya bago dumating ang tanghalian isa-isa na naming sinubukan ang mga 'to.
-big bam boo. level:5, penitencia mode, akalain mong dadalhin mo pataas ang gagamiting mong salbabida(10 kilos) na sasakyan mo.
-king pilipit. level:10, hardcore mode, astig sa islayds na 'to, mataas, mabilis at masakit sa likod. uu, masakit sa likod, may mga umbuk-umbok kasi dun sa mga pinagduduktungan ng mga PBC.
-magellan's trap level:8, surfing mode, aus din dito, may dala ka pang props na matt na parang surfboard ang hugis. gamit ang matt na dala dumapa dito at mag-islayds una ulo ang posisyon. reminders: gamiting ang siko na bilang rollers.
-rio montaniosa. level:6, orgy mode, pangpamilya, max up to 2-4 players.
Ung ibang islayds di ko na nasubukan mejo nabusog narin kasi ako nung lunch.

Mas masaya ngaun, mas masarap ang lasa ng dala naming pagkain, mas masarap ang lasa ng tubig sa mga pool, mas energetic sa paglilibot sa buong water park, di ko alam kung bakit... siguro dahil mas mas maraming sumama ngaun, mas madaming tawanan ang nangyari. hayzzz. sana may may part 2 pa.

PS: nakapagpasok kami ng manga kahit na bawal magdala ng pagkain sa loob. panu??? sikretong malupit un, isang pambihirang talent ang pinamalas ko nun. /gg

4/04/2008

Damot mu naman!

BadTrip... after ng ilang oras ng paghihintay ko di rin naman pala magagwa yung ipapa-burn ko. Kaso pagod na raw sya, kaso sa mejo-late na. Ampness na dahilan yan, pede naman i-share ung dvd-room, saka pede namang iwan na nakaopen yung pc nya. Anung tingin nia sakin d marunong mag-shutdown properly ng PC. Kung ikaw 'ung nasa kalagayan ko at ako 'ung nasa kalagayan mu? Putsa walang dalawang isip pahihiram ko sayu yan. Kaso magkaiba pala tayo, saka mukhang wala kang tiwala sakin... ako kahit di pa tayo naging magkaibigan pahihiram ko sau yan. Bakit??? Magka-opismeyt kaya tayo, makasa pa tayo sa isang cubicle, saka parang marami namang nakatagong scandal sa PC ata ayaw mong pagalaw.

Sayang inihanda ko pa naman na lahat naka share na ung files ibuburn mu na lang, anjan na ung dvd. Kumpleto n ang lahat san ka pa. Onting pabor lang un di mo pa ko napagbigyan. Kung hindi lang ako na pangako sa pinsan ko na maibibigay ko na sa kanya 'ung DVD, di naman ako mababadtrip ng ganito.

Pakingshit! Alam ko sayo yan kaya wala kong magagawa kung di mo pahiramin... Pero sana naman tsong onting konsiderasyon, kasi kung ikaw ang nangailangan ipagdidikdikan ko pa ang sarili ko para ko makatulong. Para san pa yung pagiging magkasama natin sa loob ng cubicle. Halos nagkakaamuyan na tayo ng utot tapos ganun lang.

Bad Trip!!!
Bad Trip!!!
Bad Trip!!!

isa pa inhale muna, then....
isigaw ng malakas...

BADTRIP!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

di ba mas gumaan ang pakiramdam :D

3/28/2008

Add me!

Aun, tinamaan na naman ako ng magaling na katamaran, teka panu nga pala ko sisipagin kung wala namang gagawin. Kaya for today operation "hanap-hanap", nag search ako ng mga long lost friend ko nung high skul. Ayos talaga 'tong internet lahat ng hinahanap mo lahat ay nandito parang dvdx lang. Type ng name sabay push the button search at presto meron ka ng site na makikita na related sa name na sini-search mo. Ayos na ayos. Pero napansin ko lang sa friendster nila ako lagi bumabagsak.

Friendster? Anu yun? Kelangan ba talaga may ganun? May e-mail at messenger naman di ko kelangan nyan with matching 100% lakas ng loob. Kahit wala ko nyan magkakaroon ako ng maraming kaibigan. Yan ang mga salitang binitawan ko dati kaya hanggang kahapon di ako gumagawa. UU, hanggang kahapon lang kasi ngayon gumawa ako ng account para dun. Bakit ako gumawa? Sikreto, basta sabihin ko sa inyo pagdatin ng panahon.

Pero isa sa mga minor na dahilan ng paggawa ko nun ay para rin magkaroon ako ng contact sa mga klasmeyt ko nung high skul. Wala talaga akong balita na sa kanila at wala rin silang balita sakin. At least this time, makakasagap na ko ng mga tsismis tungkol sa buhay-buhay nila. Ang totoo talaga, medyo na miss ko yung mga klasmeyt ko na 'un. Kahit na siguro di kami mas yadong naging close, isa sila sa mga very good experience ko in life. Hayzzzzzzz. I miss that old days.

Ako ba natatandaan nyo pa ba ko? :D