after opis...
gaya ng dati, may kita-kits na naman ang tropa. this time sa cubao naman, pero di kami pumunta dito para magpakabaliw sa panandaliang aliw o maglaro ng apoy, kundi maglaro ng computer games.
dahil sa 3pm out ko sa opis at 4pm pa ang call time namin, at siguradong male-late na naman sila [ganun samin ang mauna may tae sa pwet], tumambay muna ko sa megamall.
4:30pm dumating ako sa meeting place, magaling wala pa silang lahat. 5pm sila dumating at nagsimula na kaming maglaro. halos 9pm na kami na tapos, enjoy naman ang kinalabasan kahit na 5 lang kami. at nagyaya sila na mag-overnight sa bahay ng isa naming katropa. nag-iisa lang daw kasi un sa kanila at mejo nakakatakot daw dun sa haus nila kaya nagpapasama. nakakatakot? sana kung hunted haus un na gaya ng napapanood ko sa mga horror movies. malamang matakot ako.
pagdating namin sa tapat ng bahay [mga 10pm na 'to], ito ang tumambad sakin, isang malaking bahay na may kalumaan na may katabing isang malaking puno, at dumagdag pa ang kadiliman at buhos ng ulan. taena asong umaalulung na lang at perpek set up na. parang napanood ko na to. magkakaibigan na naligaw at pumunta sa isang bahay na puno ng lagim at isa-isang papatayin. hayz, kung hindi lang ... hindi ako pupunta dun.
kakabarnis lang nila sa bahay at di pa masyadong tuyo, kaya dun na lang kami sa dining area. dun kami naglatag ng matutulugan at dun na rin namin nilagay ung tv. tsempre kain muna ng late hapunan, mga 11pm na un, tas laro ps2 at psp ng magsawa, nood naman ng pirated dvd movie "kung fu panda". at para makompleto ang aura ng katatakutan, nanood kami ng horror movies. habang patay ang ilaw inumpisahan naming panoorin ang "one miss call", di naman siya sobrang nakakatakot at slight lang, at mukhang napansin din nila un kay di na tinapos at pinalitan na nila ng bago, "the grudge II". promis natakot talaga ko nung unang napanood ko un, pero dahil 4 na beses ko ng napapanood un mas naging interesado ko sa istorya.
2pm na ata kaming natapos sa panonood at dahil sa inaantok na kanya kanyang hilata na ung iba. tinatamad pa kong matulog[uu tamad talaga ako kahit sa pagtulog], nanood muna kami ng korean movie "my sassy girl". maganda ung bida sa istorya, kaya nakuha ang attraksion namin. 3 na lang kaming nanood ng mga oras nito, si mr. bigote, cheeky bones[dati] at ako.
habang sa kasarapan ng panonood sa loob, sa labas naman ay bumubuhus ang ulan at humahapas ang malakas na hangin. ng biglang... BLACK-OUT!!! putcha, parang bumagal ang bawat segundo, nagkatinginan kaming tatlo, iisalang ang na sa isip namin:
ako: "multo"
cheeky bones[dati]: "multo"
mr. bigote: "multo at mga babaeng naka 2-piece"
sabay talon sa mga natutulog, o di ba gising silang lahat. wahehehehe. at dahil sa hindi na rin sila makatulog tamang sharing na lang sila ng mga lovelife. at pagdating sakin, wala silang napala, alam naman nio naman na loveless tau. halos 5:30am natapos ang kwentuhan. at nasimula ng matulog.
pagkagising mga 10am na ata un, tsempre luto muna ng pagkain. dahil sa walang kuryente, nagtry namagluto sa kaldero, ilang mins ang nakalipas mejo nangamoy ung sinaing, sunog na? pagbukas nung takip, amoy sunog na nga, pero ang dami pa ng tubig. parang may mali, kaya tinapon nia ung tubig ng sinaing at hinugasan ulit. wahehehehe. panalo. mahusay. san ka pa? aus din naman masarap ang kinalabasan.
mga bandang tanghali pinagpatuloy namin ung panonood ng "my sassy girl". mejo nagtagal din kami dun, dahil sa sobrang lakas ng ulan inantay pa namin tumila ito, pero mukhang walang pag-asa, kaya sinugod na namin ito ng mejo kumihana. at nakauwi naman kami ng ligtas.
pagdating sa bahay nanonood sila ng prison break II. wala naman akong ibang mapag-aabalahan kaya join na lang din ako. badang 11pm nagkayayaan uminum, ako, si utol, 4 na pinsan, at 4 na grande. un lang ang kaya ng budget ko. ako ung finanser, ako lang kc ung may trabaho, 12am tapos na mejo tinaan din ako, sila prang wala lang, praktisado.
pagkagising wala na ung espirito ng alak, balik opis nanaman, balik trabaho. see you next week end.
taena ang haba na naman kakahingal. 2 araw ata un.
6/22/2008
saturday-sunday action II
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment