Cheers!

5/12/2008

Summer get away [Bataan Battle Challenge]

Wahoooooo!!! Sa wakas dumating na rin ang pinakahihintay naming lahat dito sa opisina... ang aming company outing. Isa pa ulit, Wahooooo!!!

Maaga palang umalis na kami dito sa manila, 7am kanya-kanya ng alis ang mga sasakyan. Mabilis lang ang biyahe talagang masyadong malayo lang talaga. Astig nung bagong express way sa North, imagine hinati ung mga bundok para madaan lang. Aus din ung mga tanawin sa biyahe.

Almost 10 am nasa subic na kami. At swerte nakita namin si idol "Iya", katatapus lang ata magjetskie. Hmmmm... panalo talaga with swimming outfit with matching wet look, hayzzzz. Nung nakasalubong ko nga siya parang nastock up ako, di nakagalaw, sayang kahit pa picture lang sana.

After mag lunch sa subic, diretcho n kami ng bataan. Un lang mejo mahirap pala ung way ng papuntang Bataan white corals. Mejo naligaw kami ng onti, ang gulo kc nung map na dala namin, bitin sa instruction. Pero sa kabutihang palad nakarating naman kami sa takdang oras.

Saktong 2pm nasa resort na kami, malaki din naman ung lugar, maaus din naman ung mga kwarto. Sayang nga lang kc hindi white sand, saka sobrang alat nung dagat... teka dagat nga pala kaya expected na un. Kaso pati ung swimming pool maalat din parang kinuha lang ung tubig sa dagat. Mas ok sa pool kc ung temperatura nia mainit. Sakto parang pinapakuluan kami, maalat na ung tubig tas onting vetsin pede na kaming ihanda sa lamesa. Yummy.

Madaming tao sa resort kaso walang panalo, or di ko lang makita ung mga panalo. Sa kabilang resort madaming panalo kaso may kasamang alalay (bf nila ata un). Tamang window shopping na lang di pa naman ako ganun kalakas para makipagpalakasan.

Di ako mas yadong nakipagbonding sa mga kacompany ko, kung saang wala sila andun ako, un ung trip ko nung araw na un. Susulpot na lang pagkakain na. Pero nung mga bandang kinagabihan na mga 11pm, sumabay na rin ako sa videoke nila. Ang totoo talaga umiiwas ako sa alak nung time na un. Kaso dahil ang mga boss namin ang isa sa mga greedy sa alak. Aun lahay ng empleyado kelangan lasing. Di rin ako nakatakas. Sari-saring alak ang pinapainum sau, at ung mga boss pa mismo nagchecheck kung may laman pa ung beer in can na hawak mo, walang ligtas talaga.

After nilang matapos magsawa sa kantahan at dahil dala na rin ng kalasingan, kanya kanyang pasok na sila sa rum nila 2am na ata un. At ang natira... hehehe tsempre ako na lang. Sinolo ko videoke tas mejo nilakasan ko para walang tulugan. Mga 30 mins palang ang lumilipas may lumabas na ibang tao, tas nakikiusap na kung pedeng pahinaan daw ung videoke, at dahil sa mabait ako at napansin ko n rin na mejo tahimik na rin ang resort, hininaan ko. Hanggang sa dumating na lang ung maglilinis ng cottage na pinag gamitan namin, soundtrip parin ako. 3:30 am n ko natapos, mejo malamig kc. Sayang sarap sanang mag bonefire dun kaso wala kong kasama. Mga weakling talaga ung mga kacompany ako. Last man standing parin ako. bwahahahahaha.

Umalis kami 10 pm sa resort, sa subic na lang daw ulit kami kumain ng lunch. Kaso ang dami ng tao, halos puno ung mga resto. Kaya napagpasyahan na lang na sa express way na lang kami kumain. Kaso isang trahedya ang nangyari. Ung sasakyan namin van tumirik sa express way bandang 11am. Badtrip. Ung ibang tao pinalipat sa ibang sasakyan, ang kaming magigiting nag-antay ng wreker na pedeng kumuha sa sasakyan.

Halos naubus ang panahon ko sa nangyari na un. Intay ng wreker + dinala sa shop na malapit + nagcheck kung maaaus pa ung sasakyan + kelangan ng parts, hanap ng available parts = walang nangyari. Iniwan na lang ung sasakyan, babalikan na lang daw. Buti na lang at nasamin ung mga pagkain. Inihaw namin ung mga tirang isda at porkchop. Sulit, fudtrip, un ang nagin libangan namin hanggang 4pm.

Di pa pala tapos ang delubyo, patayan pala ang pagsakay ng bus na papuntang manila. Mas masahol pa sa mrt tuwing umaga 7:30 na ata kami nakasakay at 10 pm na ko nakauwi samin. Hay buhay, la kong na pala sa trip na un. Sana kung bibigyan ng bonus ni boss ung mga nagpaiwan pra ihatid ung sasakyan.

Masarap, masaya, nakapagod ang outing namin, adventurous and excitng ang mga nangyari. Enjoy mula umpisa almusal sa opis hangang maging basang sisiw sa terminal ng bus. Ang pinakaimportante dun, nakita ko ung pagiging abot kamay ng mga boss ko. Makulet, malupet at ang sabog ang lahat. Alak pa!

No comments: