Cheers!

11/21/2007

gawain ng mga walang magawa sa opis!

Firts time kong gumawa ng blog, di ko alam kung anu ang nakain ko at gumawa ko nito. Siguro dahil sa mahabang oras na nilalaan ko sa opis na walang ginagawa, kaya yung utak ko natutuyo sa kakaisip kung paano uubusin ang otso oras sa pagtutunga, ay di pala walo, kundi sampung oras na pamamalagi sa opis (kasama na dito ang ober taym... kapal ng mukha noh!).

Sa una madali lang ubusin ang oras sa pamamagitan ng panonood ng anime video, thrilling nga eh..., Kasi habang nanood ka kelangan ay malakas ang pakiramdam mo kung meron ng tao na nagdaraan sa likod mo. Hirap kasi nakatalikod ka sa pinto ng cubicle, lalo sa mga boss na nanghuhuli ng walang ginagawa. Akala mo mga detektib dahan-dahan pa maglakad sa bawat cubicle para magcheck, asa pa sila na mahuli ako, eh malakas NEN nito. Hehehe!

Ayun nga lng, nung natapos ko na ang mga pinapanood ko at wala ng maisunod...
tsk..tsk..tsk.. Pahirapan na naman sa pag-ubos ng oras. Basa dito, basa doon, forum dito, forum doon. Buti na lng pedeng surf sa internet aka. pareng google. Lahat ng pwedeng i-search na itanong ko na ata kay google.

Isa pa sa nakatuyong utak sa opis ay ung sound trip ng ka-opis ko ng mas higher(elder). Paulit-ulit, at ang mas matindi pa nun ay naka-speaker, take note ang gamit niyang speaker ay malaki at medio malakas, pede naman siyang magheadset... Gusto niya lang ata ipamukha na may speaker cia. Hehehe. Minsan nga eh pati sa pagtulog ko napapaginipan ko ung sound trip nia..
ela.. ela.. ela.. e.. e.. Pero kahit ganun ang sir ko eh, master ko pa rin siya pagdating sa mga porn. Hehehe... >:)

to be continue...