mukhang mali ung prediction ko nung sabado. kala ko pa naman makakainuman ko sina Francis M. at Jay Contreras. may mga "unexpected things that happens". ang inuman mode na inaasahan ay naging lamay mode.
1st lamay kina den... pasensya na ulet di ako nakapunta, trabaho kc eh. kahit kelan talaga nakaksira ang pagtatrabaho.
2nd lamay kina botchok... pasensya di rin ako nakapunta, wala kc kaming kasabay, di namin alam papunta dun.
3rd lamay sa chapel na malapit samin... pero di ko kilala kung sinu ung namatay at kung sinu-sino ung mga kamag-anak nung mga namatay. at dahil sa malupit na pagkakataon, doon pa ko nakapunta.
sa mga katropa/kaibigan na nawalan ng mahal sa buhay, nakikisimpatya ako. muli, pasensya na kung di ako nakapunta. gusto ko sanang sabihin na "babawi na lang ako next time", kaso parang ang pangit naman pakinggan un.
at kagabi namn merong lamayan again sa compound namin... aus na aus.
-legal na ang pagbibingo na mga nanay na walang magawa. kahit abutin ng gabi.
-legal narin ang tong-its, pusoy at iba pang sugal.
-pede nang magpuyat ang mga tambay at kumalat kalat sa labas. wala ng sisita. may libre pang kape pag inaantok.
mukhang nagkakabawasan na ng tao sa mundo. sa opinion ko nga, habang tumatagal paiksi ng paiksi ang lifespan ng tao. sa henerasyon ko ngaun, tingin ko nasa 50-60 years na lang ang aabutin namin. un eh kung di ka mapagtritripan ng kapalaran.
10/23/2008
bawas tao
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment