Cheers!

11/16/2008

50-32=??

after ng overnight inuman session sa bahay ng katropa... umuwi ako ng mejo wala pa sa katinuan at kelangan muna ata na lamanan ang sikmura kesa sa humilata at matulog. at pagdating samin, yaya agad kay utol para kumain sa lugawan.

masarap ang lugaw dito, di gaya sa iba na parang ang may sakit lang ang may karapatan sa tinda nila. pero habang kumakain na parang may kulang... hmmmm, paminta? suka? kalamansi? mukhang di naman. at maya maya pa lumabas na ung anak nung may-ari. si ate, pero mas bata pa siya sakin. biglang nakompleto ang lahat, sumarap ang lugaw. panalo si ate at laging nakapambitaw. kaya pala ung mga tambay samin naiingganyo na kumain ng lugaw.

at nung matapos na kaming kumain, sakto naman na pagdating ni "oso"[kapitbahay namin] bumibili ng lugaw, at take-out pa.

bayaran na...

ako: 'te magkano po lahat? sama nio na rin ung order ni oso.
ate: bale 3 lugaw at isang lumpia... 32 lahat. otso ung lugaw, pati ung lumpia.

wow! galing ni ate sa math, isang mabilis lang nakalkula nia agad un. dumukot ako ng pambayad at inabot ang singkwenta petot.

mulas sa malambot niang kamay inabot nia sakin ung sukli, sampong piso na coins at dalawang mamiso. dose petot??? watda... napatingin ako kay ate, unting-unti gumuho ang imahe ng isang dyosang nilalang. pwedeng pwede si ate, magaling sa addition at multiplication pero talo pala sa subtraction.

pero bago maubos ang magandang larawan ni ate, binigyan nia ako ng isang matamis na ngiti, at mula dun nagliwanag ang lahat. inisip ko na lang na nagbibiro siya at sinubukan nia lang ang kakayahan ko sa aspeto ng matematika. o maaaring nasa dulo siya ng row 4 at di nia marinig habang tinuturo ng guro nila nung grade 2 ang 50 - 32. o pwede rin na may VAT pala ang binili naming lugaw. at kasalanan ko ang lahat, kung sa simula pa lang sakto na ang ibinayad ko di na sana aabot sa ganun. sori talaga.

hinayaan ko na lang ang lahat at di na kumibo. umuwi ako ng busog at may subenir na ngiti at dose petot. haysss, makatulog na nga...

1 comment:

Anonymous said...

NEW and FINALE post for Esep-esep PUBLISHED na! -utot
http://angblognichillidobo.wordpress.com/2008/11/17/esep-esep-finale/