Cheers!

4/07/2008

Summer get away. [splash it out!]

Linggo ng umaga, ginising ako ng isang istorbong miss call sa cellphone. at nung tiningnan ko kung sino ang bading na balahura ang ng istorbo sa aking masarap na pagkakatulog..."dota-naig". madapakshet!!! may swimming pala kami ngaun, 6:30am na at ang usapan namin 6:30-730am sa cubao,hi-top. wow! wala man lang gumising sakin, nasabihan ko naman ang buong pamilya tungkol sa lakad ko... ahhh kaya naman pala, ako pa ang pinakamaagang nagising lahat sila nakahilata pa sa higaan nila. ako tuloy ngaun ang nagmamadali, tsk..tsk..tsk.. buti na lang inihanda ko na ang mga dadalhin kong gamit kaya mejo di ako nagpanic. 7:00am na ko naka-alis samin, mga 8:00 am na ko dumating sa tagpuan at gaya nanginaasahan ako na lang ang inaantay. hehehe.

At eto na nga, natuloy din ang aming summer swimming at ang destination... "Splash Island". Yahoo!!! perstaym ko dito kaya mejo eksayting. 1 month namin ito pinaghandaan, kaya kitang kita ang matagumpay na resulta.
- madami kami, 15 person ang sumama, tas may humabol pa na isa na taga-laguna, kaya a total of 16 person. marami kasi na nakapagleave ng maaga sa trabaho , ung iba naman mas maagang tinapos ang mga work project. mas maganda na kesa nung sa 8 waves na walo lng din kami included na dun ung driver.
- mas maaus ung sasakyan at mura pa ang rent. kung dati eh jeep lang ang gamit namin tuwing outing ngaun isang malupit na
(nakalimutan ko model un pero parang) Starex type , "big time". mas komportable dito, may aircon pa kaya relaxing talaga ang biyahe. max 16 person ang kasya dito at dahil may mga dala pa kaming pagkain nagdalawang sasakyan pa kami.
- mas madali ung paghahanda ng mga pagkain. iba na ang teknik namin ngaun, toka-toka na lang ang paghahanda, di gaya nung dati sa isang bahay gagawin ung pagkain kaya malas mo pag ikaw ang may mabait na puso na magvolunteer na magluto ng pagkain dahil sa malamang di pa nag-uumpisa ang araw pagod ka sa dami ng ung ginawa.

Maaga ang dating namin sa destination, d pa bukas ung water park andun na kami(di naman kami ganung ka eksayted).pagdating namin dun, as usual hanap muna nang magandang spot para cottage. Mejo malaki din pala ang splash island, at marami silang islayds at ito ang the best part ng water park na 'to. kaya bago dumating ang tanghalian isa-isa na naming sinubukan ang mga 'to.
-big bam boo. level:5, penitencia mode, akalain mong dadalhin mo pataas ang gagamiting mong salbabida(10 kilos) na sasakyan mo.
-king pilipit. level:10, hardcore mode, astig sa islayds na 'to, mataas, mabilis at masakit sa likod. uu, masakit sa likod, may mga umbuk-umbok kasi dun sa mga pinagduduktungan ng mga PBC.
-magellan's trap level:8, surfing mode, aus din dito, may dala ka pang props na matt na parang surfboard ang hugis. gamit ang matt na dala dumapa dito at mag-islayds una ulo ang posisyon. reminders: gamiting ang siko na bilang rollers.
-rio montaniosa. level:6, orgy mode, pangpamilya, max up to 2-4 players.
Ung ibang islayds di ko na nasubukan mejo nabusog narin kasi ako nung lunch.

Mas masaya ngaun, mas masarap ang lasa ng dala naming pagkain, mas masarap ang lasa ng tubig sa mga pool, mas energetic sa paglilibot sa buong water park, di ko alam kung bakit... siguro dahil mas mas maraming sumama ngaun, mas madaming tawanan ang nangyari. hayzzz. sana may may part 2 pa.

PS: nakapagpasok kami ng manga kahit na bawal magdala ng pagkain sa loob. panu??? sikretong malupit un, isang pambihirang talent ang pinamalas ko nun. /gg

No comments: