Cheers!

11/03/2008

BT at BP

"BIYAYA!! BIYAYA!!" mula sa isang malakas at matining na boses, isang bata na patpatin at mararamdaman mo talaga na di siya inaabot ng feeding program ng gobyerno. ngunit ito ang hudyat na parating na ang rasyong pagkain na nanggagaling sa may ari ng paburol. halos lahat ng nasa lamay napahinto, magmula sa nasusugal, nag-iinuman, nagkwekwentuhan, nagtsitsismisan, nakikitambay.

may ngiting sinalubong ng mga tambay ang dalang pagkain upang tumulong sa pamamahagi , ito ang madalas bumusog sa kanilang kumakalam na sikmura. madalas kape at tinapay/biskwet ang nakahain, pero iba ang araw na ito, malinamnam at mainitinit na sopas ang nakahanda. sarap. jackpot.

may halong tawanan at kantyawan habang nilalasap ang katas ng biyaya, ung iba nag 2nd round pa, mukhang nabitin. after ng food trip, back to business na ulet ang lahat. ung ibang nanalong sugarol nagpapabili na ng alak. aus. drinking while gambling. ang mga kolokoy dumidiskarte ng pangalmusal, alam kasi nila na panggabi ang libreng rasyon. ung ibang mokong ang daming uling sa mukha, napagtripan ata. hehe. lafftrip.

buhay na buhay ang lahat habang may isang nahihimlay. "wag kaung maingay may natutulog" banat ng isa, sabay halakhak ng iba. iba talaga ang gabi na ito, mejo madaming tao. siguro dahil sa huling lamay na to, kaya buhos ang tao.

iba talaga ang lamay sa mahihirap, nasa tapat ng bahay lang at umaasa sa abuloy ng iba. at kung hindi pa kakayanin lalapit pa sa may mga katungkulan para lang mapalibing. banat nga nung iba "patay na sakit parin sa ulo".

BT: anu kaya ang pakiramdam ng namatay?
BP: malamang wala na, patay na nga eh.
BT: di, ang ibig sabihin ko eh ung kaluluwa nila, anu kaya ang pakiramdam, kung meron man.
BP: abay malay ko di pa ko mamatay eh, try mu kayang magpakamatay tas share mo sakin kung anung feeling.
audience: bwahahahaha.
[pag-uusap ng 2 kupal sa lamay, si boy tanga at si boy pilosopo]


No comments: