09:00 am - 03:00 pm
kahit saturday may pasok kami, pero ung mga boss namin wala, mejo unfair nga di ba? habang nagpapahangin sila ng kanilang mga betlogs, andito kami ngaun sa opis kasama ng ibang employee para tumunganga magtrabaho. may advantages din naman tuwing saturday work. dahil wala ang mga boss, mini boss at feeling boss pedeng magpatugtog ng malakas, magyoutube at magbasa ng manga online ng walanga huli. Pero di ako nanood ng porn, promis!
nagkayayaan na manood ng cine, kita-kits daw sa megamall 5-6 pm sa megamall. di pa decided kung anu ung panonoorin. dun na lang daw sa mega pag-uusapan.
03:00 pm - 07:00 pm
3pm palang nasa mega na ko, mahaba-habang oras pa ang uubusin ko. buti na lang at may custume play sa megatrade. aus na aus. ang daming magagandang custume at ang madami ding naggagandahan chiching nanaka chinese school uniform, ung nakamaiksing palda. panalo. mejo napahanga din ako ng mga un. makikita mung pinagastusan, pinaghandaan nila ang kanilang pagdalo. makulet at malupet. may mga bata rin na sumali at meron ding parang napadaan lang.
6pm na wala pa ring balita kung saan na ung mga kasama ko. wala akong load kaya di ko sila makontak, sa instinct na lang ako aasa. pero inaasahan ko na madaming late, expected ko na na mga 7 pa sila darating kaya relax parin ako. 7pm pa na nung kinuntact nila ko. nasa foofcourt na pala cla nag-aantay.
07:00 pm - 08-00 pm
habang nag-aantay pa sa iba, tamang kwentuhan muna, tamang plano sa mga susunod na "out of town". take note sa MGA susunod na out of town, uu marami kaming plano, pero mukhang wala magaganap, tsaka "out of town" talaga di na outing ung tawag mejo classy at sosy na ung usapan, tamang bigtym na sila. ako tamang tawa at kinig na lang sa kanila. wahehehehe.
8:00 pm - 11:00 pm
napagdesisionan na "the incredible hulk" ang panonoorin. after manood, ang hatol... hmmmm ok na din. may mga humabol pa na katropa ko na galing sa ibang lakad. mejo dumami na kami at dahil sa matagal na ting kaming di nagkakasama na ganung kadami. nagkasundo na overnight DotA. wahehehehe. onting kain, sabay larga na agad papuntang pasig.
11:00 pm - 06:00 am kinabukasan na 'to
DotA 5vs5 ang sarap nito, umaatikabong laban ang nayari, lahat ay ganado at lahat ay nagsasaya. kaso after ng 2 games, madami na ang tinatamaan ng pagod at puyat. pagkatapos ng 4 na games mga 4pm na rin un. may 2 na umuwi. mga 5:30 am na kami natapos, onting kwento sabay paalamanan na. ung iba hindi na kumain, malapit na raw kasi dun sila, saka ung iba baka raw di makatulog pagkumain pa.
06:00 am - 09:00 am
dahil sa malayo dun ang bahay ko, nasa pasig kami at valenzuela pa ko uuwi. ang layo di ba? kelangan ko kumain, may mga kasama din naman akong malalayo ang bahay kaya kumain na rin sila. at buti na lang kasama kong kumain si mr. bigtime kaya nakalibre ako ng almusal actually lahat kami nilibre pera na lang dun sa mga unang umorder na nakabayad na. wahehehe. after kumain diretcho uwi na. 9am na ko umuwi na mejo masakit na ang mata dahil sa antok.
09:00 am - 11:00 am
tangenang tulog yan 2 oras lang, ang ingay kasi sa labas, malapit lang kami sa basketball court kaya dinig ko ang sigawan nila. at isa pa "shit sobrang init abot s*ng*t", grabe ung pawis na inabot ko, d kinaya ng elektrikpan. kaya pagkabangon ko ligo agad para refreshing.
11:00 am - 01:00 pm
gusto kong matulog pero di na ko inaantok, mejo nabuhay na ung dugo ko, pero ang mata ko mejo masakit pa rin. nag-iisip ako ng way para antukin. magbasketball kaya ako? wow ang taas ng araw, sabay basketball di kaya ako mamatay nun? hmmm... magDotA na lang kaya ulit? kaso masakit na ung mata ko eh. nanonod ung pinsan ko ng anime, makanood nga bakasakaling antukin, kaso ung pinapanood nia "detective conan" amp mejo maaksion di ako makakatulog nian. foodtrip... un ung last resort ko. nagpaluto ng 3 pansit canton, ahhh sarap busog at inaantok success!
at dun ko napatunayan na isa sa best thing in life is matulog ng busog, iwas bangungot lang. wahehehehe.
-"you don't like it when i'm hungry" ^_^
6/15/2008
saturday-sunday action
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment