Cheers!

4/27/2008

Summer Slam VIII "forever"

Saturday ng umaga naghahanda ang buong tropa para sa pakikipagdigmaan sa mga rakista ng dadalo para sa summer slam na gaganapin sa amuranto stadium, wohoooooooo, exciting. Kaso nung bandang tanghali biglang bumuhus ang ulan... nak ng panu yan magigigng maputik ang ground. Buti na lang naging di tumagal, mga 10-20 minutes lang ang nangyaring pag-ulan, maaga pa sigurado matutuyo din yan. Hehe.

At ayun na nga, 5 pm nasa amuranto na kami. gaya ng nakaugalian kain muna kami sa labas[bawal kasi magdala ng pagkain sa loob], kung baga fulltank muna kami. After kumain diretso na kami sa loob, dun na mismo sa loob yung bilihan ng ticket. Pagdating sa inspection, nak ng nakumpis yung baunan ko [galing pa ko nun sa trabaho]... huhuhuhu. Sayang, sa malamang di ko na makukuha yun. At isa pang nakakapanghinayang, yung souvenir scarf na pinamimigay di kami naabutan, ubusna! huhuhu. Pero ok lang, bawi na lang sa ibang freebies.

Gaya ng dati... magulo, maalikabok, amoy-pawis at nakakapagod na summer slam pero masaya at enjoy parin ang kinalabasan. Astigin parin ang mga pinoy rock bands, at yung mga guest na foreign bands nilangaw. Hehe, ok din naman sila kaso di makarelate yung iba sa tugtugan nila kaya di makasabay. May pakulo pa naman yung isang foreign band na magbibigay sila ng isang electric guitar para sa pinakamalupit na nakikipagslaman sa crowd. Tsempre as a pinoy... maraming di naniwala at isa na ko sa mga yun. Kaso apter ng pagtutugtug nila... akalain mu nagbigay nga ang mga mokong elec guitar. Nak ng panghihinayang nanaman, kaso nung na silip namin kung sino yung nabigyan... yahahahaha! mukhang kano rin, anu to kasabwat lang? bwahahahaha. Mukahng pautot lang yun... hayssssss[relief].

Mula 5pm-4am napunta kami sa ibang dimension, mula kamikazee[first band na naabutan namin] - chicosci [last band na tumugtog] inenjoy namin, nakipagbasagan sa queso, intolerant, slapshock, urbandub, soundtrip sa kjwan, pedicab, sandwich, moonstar88, pinatulog ng foreign bands, binuhay ng greyhoundz,sin,valley of chrome, saydie, typecast. Sarap ng feeling.

Next year, kita-kits na lang ulit. Babawi ako sa souvenir at sana mas maaga para sulit na sulit. Mabuhay ang pinoy rock bands!

No comments: