Cheers!

6/18/2008

Salamat Boston

mejo swerte ako ngaun sa pwesto ko sa taas [heaven], dati nasa baba ako [hell]. dalawa kasi ung opis namin dito sa building, isa sa ground floor at isa sa 12 floor. dito na ko sa 12 floor. hep.. hep.. hep. di ako napromote at di rin tumaas ang kakarampot kung sweldo at lalong-lalo na hindi ako mabait na bata kaya nilipat ako sa heaven. nilipat ako kasi ito talaga ung company ko [group of mini-company kc dito]. dati nakikigamit lang ako sa hell, parang isang timawa sa gililid.

mas ok ang mga employee dito, halos nasa generation ko at may mga panalo, at ung mga boss at mini-boss lang ung mejo may edad. di gaya sa hell, patandaan ang drama. akalain mu ba naman ung isang employee na batch 1950's, siya pa ung kumukuha ng mga employee na kelangan, at ang mga amiga nia ang mga pinagrerefer nia. sa kasamaang palad natatanggap sila. parang home for the aged na tuloy sa hell.

isa pa, sa masayang part ng heaven, hindi kuripot ung mga tao, lalo na kung fudtrip. tsaka halos every week parang may celebration at pag may celebration may pamerienda. tamang pizza o ice cream solb na kami. basta't may bonding time, un ang mahalaga. sharing ng experience, lovelife at jokes [karamihan mais]. wahehehehe. may sense of humor sila na ngaun ko lang nakita, kala ko ako lang ang sira ulo dito, un pala may mga semi-adik din pla.

karamihan dito sa heaven ay gurl, mahihina kumain. tsempre sa una pa-shy type ako, kaso nasasayang ung pagkain kaya di tumagal
ako ung taga-ubos. solb. wahehehe. meron pa ngang ice cream sa ref, nakakahiya naman lantakan ng lantakan. sabi kc nila panghimagas na lang daw un after lunch, pero kung samin un, di na aabutin un ng tanghalian. umaga palang ubos na kahit na wala pang kinain at sumakit ang tiyan.

ngaun... may pa-pizza na naman, galing sa boss ko. nakipagpustahan kc sa nba finals sa mga co-boss din. tsempre dahil sa nangako cia na pagnanalo ang team nia magpapa-pizza cia, kaya ung iba samin na mabuting bata, akalain mu ba namang isama pa nila sa dasal un. pero prayer granted namn eh. wagi ang koponan ni boss at busog nanaman kami. kaya... salamat boston.

ps: hirap mag-isip ng title, ganun ba talaga un??

2 comments:

Jhaynee said...

nu ka ba.. sana nag.comment ka agad.. hehehe.. dami ngang nakakabasa ng blog ko na di nagcocomment eh.. nahahalata ko na lang kasi sa personal pa ako inaasar tungkol sa blog ko.. langyang mga kaibigan sana ang nasa blogosphere hanggang dun na lang.. nabubuko tuloy ako sa school tungkol sa ka-emo-han ko.. tsk tsk tsk..

btw, salamat sa pagdaan mo dun..
andito na pala ako sa linkz mo eh.. add na rin kita ha..

ingatz!!!

Anonymous said...

@jhaynee
pati sa skul umabot ung blog mu? wahehehe
salamat din sa pagdaan at sa pag-add ^_^
-cheers