Cheers!

6/23/2008

Someday

habang tumutugtog ang awiting "someday" by nina...

cia: nakakaiyak naman ung song.
ako: huh? nakakiyak?
cia: uu. naiiyak ka? dadamayan na lang kita.
ako: ahhh... ok.

nung time na un, di ko maintindihan ung mga cnasabi nia. ang alam ko lang, tungkol ito sa background music na pinakikinggan namin. pagdating sa chorus, sinabayan nia ung kanta...

"Coz someday, someones gonna love me
The way, i want you to need me
Someday,someones gonna take your place
One day ill forget about you
You'll see, i wont even miss you
Someday, someday"

awts... parang mukhang may past pa cia na di makalimutan. gusto ko sanang sabihin na kung pede ako na lang ung someone na un. ang hina ko ko talaga. amf.

6/22/2008

saturday-sunday action II

after opis...
gaya ng dati, may kita-kits na naman ang tropa. this time sa cubao naman, pero di kami pumunta dito para magpakabaliw sa panandaliang aliw o maglaro ng apoy, kundi maglaro ng computer games.
dahil sa 3pm out ko sa opis at 4pm pa ang call time namin, at siguradong male-late na naman sila [ganun samin ang mauna may tae sa pwet], tumambay muna ko sa megamall.

4:30pm dumating ako sa meeting place, magaling wala pa silang lahat. 5pm sila dumating at nagsimula na kaming maglaro. halos 9pm na kami na tapos, enjoy naman ang kinalabasan kahit na 5 lang kami. at nagyaya sila na mag-overnight sa bahay ng isa naming katropa. nag-iisa lang daw kasi un sa kanila at mejo nakakatakot daw dun sa haus nila kaya nagpapasama. nakakatakot? sana kung hunted haus un na gaya ng napapanood ko sa mga horror movies. malamang matakot ako.

pagdating namin sa tapat ng bahay [mga 10pm na 'to], ito ang tumambad sakin,
isang malaking bahay na may kalumaan na may katabing isang malaking puno, at dumagdag pa ang kadiliman at buhos ng ulan. taena asong umaalulung na lang at perpek set up na. parang napanood ko na to. magkakaibigan na naligaw at pumunta sa isang bahay na puno ng lagim at isa-isang papatayin. hayz, kung hindi lang ... hindi ako pupunta dun.

kakabarnis lang nila sa bahay at di pa masyadong tuyo, kaya dun na lang kami sa dining area. dun kami naglatag ng matutulugan at dun na rin namin nilagay ung tv. tsempre kain muna ng late hapunan, mga 11pm na un, tas laro ps2 at psp ng magsawa, nood naman ng pirated dvd movie "kung fu panda". at para makompleto ang aura ng katatakutan, nanood kami ng horror movies. habang patay ang ilaw inumpisahan naming panoorin ang "one miss call", di naman siya sobrang nakakatakot at slight lang, at mukhang napansin din nila un kay di na tinapos at pinalitan na nila ng bago, "the grudge II". promis natakot talaga ko nung unang napanood ko un, pero dahil 4 na beses ko ng napapanood un mas naging interesado ko sa istorya.

2pm na ata kaming natapos sa panonood at dahil sa inaantok na kanya kanyang hilata na ung iba. tinatamad pa kong matulog[uu tamad talaga ako kahit sa pagtulog], nanood muna kami ng korean movie "my sassy girl". maganda ung bida sa istorya, kaya nakuha ang attraksion namin. 3 na lang kaming nanood ng mga oras nito, si mr. bigote, cheeky bones[dati] at ako.

habang sa kasarapan ng panonood sa loob, sa labas naman ay bumubuhus ang ulan at humahapas ang malakas na hangin. ng biglang... BLACK-OUT!!! putcha, parang bumagal ang bawat segundo, nagkatinginan kaming tatlo, iisalang ang na sa isip namin:
ako: "multo"
cheeky bones[dati]:
"multo"
mr. bigote:
"multo at mga babaeng naka 2-piece"
sabay talon sa mga natutulog, o di ba gising silang lahat. wahehehehe. at dahil sa hindi na rin sila makatulog tamang sharing na lang sila ng mga lovelife. at pagdating sakin, wala silang napala, alam naman nio naman na loveless tau. halos 5:30am natapos ang kwentuhan. at nasimula ng matulog.
pagkagising mga 10am na ata un, tsempre luto muna ng pagkain. dahil sa walang kuryente, nagtry namagluto sa kaldero, ilang mins ang nakalipas mejo nangamoy ung sinaing, sunog na? pagbukas nung takip, amoy sunog na nga, pero ang dami pa ng tubig. parang may mali, kaya tinapon nia ung tubig ng sinaing at hinugasan ulit. wahehehehe. panalo. mahusay. san ka pa? aus din naman masarap ang kinalabasan.

mga bandang tanghali pinagpatuloy namin ung panonood ng "my sassy girl". mejo nagtagal din kami dun, dahil sa sobrang lakas ng ulan inantay pa namin tumila ito, pero mukhang walang pag-asa, kaya sinugod na namin ito ng mejo kumihana. at nakauwi naman kami ng ligtas.

pagdating sa bahay nanonood sila ng prison break II. wala naman akong ibang mapag-aabalahan kaya join na lang din ako. badang 11pm nagkayayaan uminum, ako, si utol, 4 na pinsan, at 4 na grande. un lang ang kaya ng budget ko. ako ung finanser, ako lang kc ung may trabaho, 12am tapos na mejo tinaan din ako, sila prang wala lang, praktisado.

pagkagising wala na ung espirito ng alak, balik opis nanaman, balik trabaho. see you next week end.

taena ang haba na naman kakahingal. 2 araw ata un.

6/20/2008

Coming soon...

If an Angel and a Devil were to fall in love...
Can their Love transcend the laws of heaven and hell?
Can the Angel set her wings on fire?
Can the Devil soar at daylight?
Can love change what isn't meant to be?

anung klaseng tanong yan?
tsempre isang malaking "UU".

pero bakit parang di ko masimulan?
bakit di ko subukan?

takot?
duwag?

ahhhh ok alam ko na tawag dun... "KATORPEHAN" amf!

kelan kaya magkakaroon ng lakas ng loob?

sana malapit na.

6/18/2008

standard 101

ganun pala sa mga nag-uumpisang pa lang na company. mejo marami pa ang di standard rules, gaya ng...
-time
dito ko pinakatalo, madalas akong late, mas gusto ko kasing nakikipaghabulan sa oras. pramis ganun talaga ko. pag-alam kong masyadong maaga ako, babagalan ko ung galaw ko, pipiliting umabot sa grace period. kc nga para san pa un kung di gagamitin. tsaka wala namang dagdag sahod para sa mga maaaga. kahit pagbreaktime basta nasa range 12 - 2 pm pede kumain. aus d ba? minsa nga kahit 2 hours ka magbreak ok lang wag lang papahuli. wahehehe

-task
dito ako na ung programmer, technician, graphics artist, network admin at janitor [sideline ko bago umuwi]. dahil na mejo magkakaugnay din sila at mejo lumilibot sa mundo ng computer, sakin nabigay ng kapalaran na gawin ang mga trabahong yan. kung per individual task din a bayad, e di sana nakakamal na ko ngaun ng limpak na limpak na salapi, kaso hindi. huhuhuhu.

-position
umpisa palang ng pasok ko dito, nalilito na ko kung sino ung tatawagin ko na boss/sir/maam. di ko alam kung anu ung mga position ng bawat employee, kahit sila di rin nila alam dahil sa dami ng position na pedeng i-claim dahil sa overloads nila. wala rin kasing uniform pattern/coding scheme. tanda ko pa dati napagtripan ako ng makulit na utility namin. akalain mu ba naman nagpanggap na boss at ako naman si tanga naniwal at sumunod sa utos. next time babawi ako. hehehehe.

madami kelangan iimprove at idevelop dito, at isa ko sa mga tutulong dito. di ko lang alam kung pataas or pababa ang magiging resulta ng aking gagawin.

Salamat Boston

mejo swerte ako ngaun sa pwesto ko sa taas [heaven], dati nasa baba ako [hell]. dalawa kasi ung opis namin dito sa building, isa sa ground floor at isa sa 12 floor. dito na ko sa 12 floor. hep.. hep.. hep. di ako napromote at di rin tumaas ang kakarampot kung sweldo at lalong-lalo na hindi ako mabait na bata kaya nilipat ako sa heaven. nilipat ako kasi ito talaga ung company ko [group of mini-company kc dito]. dati nakikigamit lang ako sa hell, parang isang timawa sa gililid.

mas ok ang mga employee dito, halos nasa generation ko at may mga panalo, at ung mga boss at mini-boss lang ung mejo may edad. di gaya sa hell, patandaan ang drama. akalain mu ba naman ung isang employee na batch 1950's, siya pa ung kumukuha ng mga employee na kelangan, at ang mga amiga nia ang mga pinagrerefer nia. sa kasamaang palad natatanggap sila. parang home for the aged na tuloy sa hell.

isa pa, sa masayang part ng heaven, hindi kuripot ung mga tao, lalo na kung fudtrip. tsaka halos every week parang may celebration at pag may celebration may pamerienda. tamang pizza o ice cream solb na kami. basta't may bonding time, un ang mahalaga. sharing ng experience, lovelife at jokes [karamihan mais]. wahehehehe. may sense of humor sila na ngaun ko lang nakita, kala ko ako lang ang sira ulo dito, un pala may mga semi-adik din pla.

karamihan dito sa heaven ay gurl, mahihina kumain. tsempre sa una pa-shy type ako, kaso nasasayang ung pagkain kaya di tumagal
ako ung taga-ubos. solb. wahehehe. meron pa ngang ice cream sa ref, nakakahiya naman lantakan ng lantakan. sabi kc nila panghimagas na lang daw un after lunch, pero kung samin un, di na aabutin un ng tanghalian. umaga palang ubos na kahit na wala pang kinain at sumakit ang tiyan.

ngaun... may pa-pizza na naman, galing sa boss ko. nakipagpustahan kc sa nba finals sa mga co-boss din. tsempre dahil sa nangako cia na pagnanalo ang team nia magpapa-pizza cia, kaya ung iba samin na mabuting bata, akalain mu ba namang isama pa nila sa dasal un. pero prayer granted namn eh. wagi ang koponan ni boss at busog nanaman kami. kaya... salamat boston.

ps: hirap mag-isip ng title, ganun ba talaga un??

6/15/2008

saturday-sunday action

09:00 am - 03:00 pm
kahit saturday may pasok kami, pero ung mga boss namin wala, mejo unfair nga di ba? habang nagpapahangin sila ng kanilang mga betlogs, andito kami ngaun sa opis kasama ng ibang employee para tumunganga
magtrabaho. may advantages din naman tuwing saturday work. dahil wala ang mga boss, mini boss at feeling boss pedeng magpatugtog ng malakas, magyoutube at magbasa ng manga online ng walanga huli. Pero di ako nanood ng porn, promis!
nagkayayaan na manood ng cine, kita-kits daw sa megamall 5-6 pm sa megamall. di pa decided kung anu ung panonoorin. dun na lang daw sa mega pag-uusapan.
03:00 pm - 07:00 pm
3pm palang nasa mega na ko, mahaba-habang oras pa ang uubusin ko. buti na lang at may custume play sa megatrade. aus na aus. ang daming magagandang custume at ang madami ding naggagandahan chiching nanaka chinese school uniform, ung nakamaiksing palda. panalo. mejo napahanga din ako ng mga un. makikita mung pinagastusan, pinaghandaan nila ang kanilang pagdalo. makulet at malupet. may mga bata rin na sumali at meron ding parang napadaan lang.
6pm na wala pa ring balita kung saan na ung mga kasama ko. wala akong load kaya di ko sila makontak, sa instinct na lang ako aasa. pero inaasahan ko na madaming late, expected ko na na mga 7 pa sila darating kaya relax parin ako. 7pm pa na nung kinuntact nila ko. nasa foofcourt na pala cla nag-aantay.
07:00 pm - 08-00 pm
habang nag-aantay pa sa iba, tamang kwentuhan muna, tamang plano sa mga susunod na "out of town". take note sa MGA susunod na out of town, uu marami kaming plano, pero mukhang wala magaganap, tsaka "out of town" talaga di na outing ung tawag mejo classy at sosy na ung usapan, tamang bigtym na sila. ako tamang tawa at kinig na lang sa kanila.
wahehehehe.
8:00 pm - 11:00 pm
napagdesisionan na "the incredible hulk" ang panonoorin. after manood, ang hatol... hmmmm ok na din. may mga humabol pa na katropa ko na galing sa ibang lakad. mejo dumami na kami at dahil sa matagal na ting kaming di nagkakasama na ganung kadami. nagkasundo na overnight DotA. wahehehehe. onting kain, sabay larga na agad papuntang pasig.
11:00 pm - 06:00 am kinabukasan na 'to
DotA 5vs5 ang sarap nito,
umaatikabong laban ang nayari, lahat ay ganado at lahat ay nagsasaya. kaso after ng 2 games, madami na ang tinatamaan ng pagod at puyat. pagkatapos ng 4 na games mga 4pm na rin un. may 2 na umuwi. mga 5:30 am na kami natapos, onting kwento sabay paalamanan na. ung iba hindi na kumain, malapit na raw kasi dun sila, saka ung iba baka raw di makatulog pagkumain pa.
06:00 am - 09:00 am
dahil sa malayo dun ang bahay ko, nasa pasig kami at valenzuela pa ko uuwi. ang layo di ba? kelangan ko kumain, may mga kasama din naman akong malalayo ang bahay kaya kumain na rin sila. at buti na lang kasama kong kumain si mr. bigtime kaya nakalibre ako ng almusal actually lahat kami nilibre pera na lang dun sa mga unang umorder na nakabayad na. wahehehe. after kumain diretcho uwi na. 9am na ko umuwi na mejo masakit na ang mata dahil sa antok.
09:00 am - 11:00 am
tangenang tulog yan 2 oras lang, ang ingay kasi sa labas, malapit lang kami sa basketball court kaya dinig ko ang sigawan nila. at isa pa "shit sobrang init abot s*ng*t", grabe ung pawis na inabot ko, d kinaya ng elektrikpan. kaya pagkabangon ko ligo agad para refreshing.
11:00 am - 01:00 pm
gusto kong matulog pero di na ko inaantok, mejo nabuhay na ung dugo ko, pero ang mata ko mejo masakit pa rin. nag-iisip ako ng way para antukin. magbasketball kaya ako? wow ang taas ng araw, sabay basketball di kaya ako mamatay nun? hmmm... magDotA na lang kaya ulit? kaso masakit na ung mata ko eh. nanonod ung pinsan ko ng anime, makanood nga bakasakaling antukin, kaso ung pinapanood nia "detective conan" amp mejo maaksion di ako makakatulog nian. foodtrip... un ung last resort ko. nagpaluto ng 3 pansit canton, ahhh sarap busog at inaantok success!
at dun ko napatunayan na isa sa best thing in life is matulog ng busog, iwas bangungot lang. wahehehehe.

-"you don't like it when i'm hungry" ^_^