mukhang mali ung prediction ko nung sabado. kala ko pa naman makakainuman ko sina Francis M. at Jay Contreras. may mga "unexpected things that happens". ang inuman mode na inaasahan ay naging lamay mode.
1st lamay kina den... pasensya na ulet di ako nakapunta, trabaho kc eh. kahit kelan talaga nakaksira ang pagtatrabaho.
2nd lamay kina botchok... pasensya di rin ako nakapunta, wala kc kaming kasabay, di namin alam papunta dun.
3rd lamay sa chapel na malapit samin... pero di ko kilala kung sinu ung namatay at kung sinu-sino ung mga kamag-anak nung mga namatay. at dahil sa malupit na pagkakataon, doon pa ko nakapunta.
sa mga katropa/kaibigan na nawalan ng mahal sa buhay, nakikisimpatya ako. muli, pasensya na kung di ako nakapunta. gusto ko sanang sabihin na "babawi na lang ako next time", kaso parang ang pangit naman pakinggan un.
at kagabi namn merong lamayan again sa compound namin... aus na aus.
-legal na ang pagbibingo na mga nanay na walang magawa. kahit abutin ng gabi.
-legal narin ang tong-its, pusoy at iba pang sugal.
-pede nang magpuyat ang mga tambay at kumalat kalat sa labas. wala ng sisita. may libre pang kape pag inaantok.
mukhang nagkakabawasan na ng tao sa mundo. sa opinion ko nga, habang tumatagal paiksi ng paiksi ang lifespan ng tao. sa henerasyon ko ngaun, tingin ko nasa 50-60 years na lang ang aabutin namin. un eh kung di ka mapagtritripan ng kapalaran.
10/23/2008
bawas tao
10/13/2008
sa darating na sabado
teka mga gays mag-cr lang ako...
mejo hilo na ko, o mas tamang sabihing lasing na ata ko. pero ok lang yan mukhang basta't may pang-uwi pa fyt parin.
at pagbalik sa mesa...
teka sino ang bagong mukha na ito? hmmm... sinipat ko ulet. mejo malabo na ung paningin ko. parang kilala ko pero di ako makasigurado.
"putsa! sinu ung bago kasama natin?" tanong ko sa katabi ko.
"di mu ba kilala yan, yan ung bisita natin ngaun." sagot nia.
"oo nga! alam ko na bisita nga natin sila, pero anu nga ulet name nila" pangungulet na tanong ulet.
"anu ka ba para ka na mang others" tsempre sagot nia ulet un.
mejo nagisip-ipis...
ahhh ok, nakikilala ko na sila!
si Fransis M. at Jay Contreras ung bisita natin sa inuman session di ba?
10/07/2008
galera syndrome
gusto ko sanang isa isahin pa ung galera experience kaso mukhang makakatatlong entry pa ko nun, isummary ko n lng.
meeting place - mejo naligaw pa ako nun, mali pala ung napuntahan ko, "lrt pla kala ko mrt".
kulitan sa bus hanggang sa ferry boat. with picture-picture.
snorkeling - coolness, kung under water nature tripping ang gusto mo, ito ung the best na para sa iyo.
banana boat - miss match namn un! meron mga time na gusto kaming idrop nung driver pero sumablay cia. meron din isang scene d2 na pang youtube, entitled "ay sori, mali, pero pwede". wahahahaha.
inuman session - mawawala ba to? tsempre hinde, kc kelangan pagusapan ang lablyp nila. napansin ko lng [ako lng ba ung nakapansin?] na mejo ganado ko nun, madami akong natanong at marami din akong nalaman. hehehe.
ferry boat - pauwi, mejo exciting lng kc, sa gitna nung biyahe inabutan kami ng ulan. gusto ko sanang kumuha ng lifevest, sure ako na dun magsisimula ang panic mode ng lahat.
bili muna pasalubong bago umuwi, dami nilang biniling pasalubong. kami ni boang[special mention ka pa, tsong salamat sa lahat] vcut ung binili namin, para maiba lng.
dota mode - tsempre di mawawala ito pagnasama-sama ang mga adik, kahit na mejo pagod at walang tulog.
di ko malilimutan ang lahat ng nian, pero lahat ng yan ay naging masaya, napakasaya, ubod ng saya dahil sa mga katropang makukulet at astig. sa inyong lahat kung naririnig nio ko, maraming salamat sa lahat [w/ tears]. sana maulet.
-cheers!