21
-natrapik ng 2 oras paumuwi.
-uminum ng alak, mini celebretion ng bday ng pinsan ko[ciara].
-dahilan lang un, di umiinum ung pinsan ko.
22
-napaaga ng pasok, first ako.
-un lang sarado pa kaya di ako makapasok.
-useless!!!
-buti may isang employee na maaga rin.
-para manood ng 'Bangkok Dangerous'.
-nanood muna ko kahit alam kong mabibitin lang ako.
-late na naglunch.
-naaliw kc sa audio file ni idol xG.
-umuwi ng maaga.
-ngaun kc ung grand celebration ng bday ng pinsan ko.
-libre foodtrip, alak at videoke. -aus na aus!
-perstaym ko ang magGIN.
-nakadami kami.
-???
23
-punit ang ulo ko pagkagising.
-bili muna ng softdrinks sa suking tindahan.
-watda!!!
-ba't sikwenta na lang laman ng pitaka ko?
-nagpabibili pa daw ako ng pangbanlaw, sabi ni utol.
-huh? d nga? kelan?
-... / uu nga / nung pagkatapos ng "-nakadami kami"[check mu nung 22].
-ahhh, kaya pala ala na kong maalala after nun.
-di parin mapakali.
-nagpapawis, nagbasketball.
-hiningal pagkatapos ng sampong balik.
(baka iba ang tumatak bo sa isip nio ngaun, itigil nio na yan)
-umambon, di natapos.
-napagod, natulog ulet.
-dota agad, pagkagising[walang kaen].
-pagkatapos ng limang oras na dota[wala paring kaen].
-umuwi para manood ng pirated na dvd.
-nakatulog ulet, boring kc ung pinapanood.
-6pm, nagising, diretcho sa shop[wala paring kaen].
-madaming tao sa shop, pero walang naglalaro.
-pa 40 days ng tatay ni botchok, pupunta silang lahat.
-at isinama ako.
-fud trip[nasobrahan sa kaen].
-sabay sabay bumalik sa shop, para magdota.
-2 hours, lang ako.
-pag-uwi kain ulet[sobra sobra na ang kaen].
-tulog agad, WAG PO SANANG BANGUNGUTIN.
24
-bday ng taytay ko.
-fudtrip, inuman ulet kaso wala ng videoke.
-pero may live band.
-astig!!!
-ung mga pinsan at kaibigan ko ung tumutugtog.
-masaya at lasing ang tatay ko nung gabing un.
-ok na siguro un. hehe.
baka makalimutan ko ang apat na araw na to, sayang naman. kaya nilagay ko na cia sa blog. hehe.
pansin ko para kong isang patabaing baboy, kain, tulog, laklak, dota. putsa kelan kaya ko kakatayin?
11/24/2008
21 to 24
11/16/2008
50-32=??
after ng overnight inuman session sa bahay ng katropa... umuwi ako ng mejo wala pa sa katinuan at kelangan muna ata na lamanan ang sikmura kesa sa humilata at matulog. at pagdating samin, yaya agad kay utol para kumain sa lugawan.
masarap ang lugaw dito, di gaya sa iba na parang ang may sakit lang ang may karapatan sa tinda nila. pero habang kumakain na parang may kulang... hmmmm, paminta? suka? kalamansi? mukhang di naman. at maya maya pa lumabas na ung anak nung may-ari. si ate, pero mas bata pa siya sakin. biglang nakompleto ang lahat, sumarap ang lugaw. panalo si ate at laging nakapambitaw. kaya pala ung mga tambay samin naiingganyo na kumain ng lugaw.
at nung matapos na kaming kumain, sakto naman na pagdating ni "oso"[kapitbahay namin] bumibili ng lugaw, at take-out pa.
bayaran na...
ako: 'te magkano po lahat? sama nio na rin ung order ni oso.
ate: bale 3 lugaw at isang lumpia... 32 lahat. otso ung lugaw, pati ung lumpia.
wow! galing ni ate sa math, isang mabilis lang nakalkula nia agad un. dumukot ako ng pambayad at inabot ang singkwenta petot.
mulas sa malambot niang kamay inabot nia sakin ung sukli, sampong piso na coins at dalawang mamiso. dose petot??? watda... napatingin ako kay ate, unting-unti gumuho ang imahe ng isang dyosang nilalang. pwedeng pwede si ate, magaling sa addition at multiplication pero talo pala sa subtraction.
pero bago maubos ang magandang larawan ni ate, binigyan nia ako ng isang matamis na ngiti, at mula dun nagliwanag ang lahat. inisip ko na lang na nagbibiro siya at sinubukan nia lang ang kakayahan ko sa aspeto ng matematika. o maaaring nasa dulo siya ng row 4 at di nia marinig habang tinuturo ng guro nila nung grade 2 ang 50 - 32. o pwede rin na may VAT pala ang binili naming lugaw. at kasalanan ko ang lahat, kung sa simula pa lang sakto na ang ibinayad ko di na sana aabot sa ganun. sori talaga.
hinayaan ko na lang ang lahat at di na kumibo. umuwi ako ng busog at may subenir na ngiti at dose petot. haysss, makatulog na nga...
11/03/2008
BT at BP
"BIYAYA!! BIYAYA!!" mula sa isang malakas at matining na boses, isang bata na patpatin at mararamdaman mo talaga na di siya inaabot ng feeding program ng gobyerno. ngunit ito ang hudyat na parating na ang rasyong pagkain na nanggagaling sa may ari ng paburol. halos lahat ng nasa lamay napahinto, magmula sa nasusugal, nag-iinuman, nagkwekwentuhan, nagtsitsismisan, nakikitambay.
may ngiting sinalubong ng mga tambay ang dalang pagkain upang tumulong sa pamamahagi , ito ang madalas bumusog sa kanilang kumakalam na sikmura. madalas kape at tinapay/biskwet ang nakahain, pero iba ang araw na ito, malinamnam at mainitinit na sopas ang nakahanda. sarap. jackpot.
may halong tawanan at kantyawan habang nilalasap ang katas ng biyaya, ung iba nag 2nd round pa, mukhang nabitin. after ng food trip, back to business na ulet ang lahat. ung ibang nanalong sugarol nagpapabili na ng alak. aus. drinking while gambling. ang mga kolokoy dumidiskarte ng pangalmusal, alam kasi nila na panggabi ang libreng rasyon. ung ibang mokong ang daming uling sa mukha, napagtripan ata. hehe. lafftrip.
buhay na buhay ang lahat habang may isang nahihimlay. "wag kaung maingay may natutulog" banat ng isa, sabay halakhak ng iba. iba talaga ang gabi na ito, mejo madaming tao. siguro dahil sa huling lamay na to, kaya buhos ang tao.
iba talaga ang lamay sa mahihirap, nasa tapat ng bahay lang at umaasa sa abuloy ng iba. at kung hindi pa kakayanin lalapit pa sa may mga katungkulan para lang mapalibing. banat nga nung iba "patay na sakit parin sa ulo".
BT: anu kaya ang pakiramdam ng namatay?
BP: malamang wala na, patay na nga eh.
BT: di, ang ibig sabihin ko eh ung kaluluwa nila, anu kaya ang pakiramdam, kung meron man.
BP: abay malay ko di pa ko mamatay eh, try mu kayang magpakamatay tas share mo sakin kung anung feeling.
audience: bwahahahaha.
[pag-uusap ng 2 kupal sa lamay, si boy tanga at si boy pilosopo]