Cheers!

8/27/2008

lumpiang sariwa

mukhang masarap,,, lalo na nung lagyan ng sauce na may bawang at mukhang matamis...
shhhulp! yummy!

yan ang unang impression ko ng makita ko ung lumpiang sariwa sa canteen. kahit na di ako palakain ng gulay, at dahil na rin nagsisimula kong baguhin ang kinaugalian na di pagkain ng gulay, bumili ako nito. at dahil alam kong may makakasabay ako sa pagkain sa pantry, dinalawa ko pa ang order ko nito, for the sake of sharing.

pagdating ng tanghalian...
parang wala sila, ung mga madalas kong makasabay may pinuntahan ata. aus! solong solo ko ung lumpiang binili ko. pero nung pagdating sa puntong tinikman ko na,,, putsa ganun pala lasa nun [first tym ko kumain nun, pramis]. mejo di kaaya-aya ung lasa, pero pinipilit kong tanggapin baka sakaling magbago. subo pa ulet. mejo tumataas na ung balahibo ko, pero baka sa umpisa lang un. subo pa ulet. di parin nagbabago ganun paren. subo pa ulet. parang di nakaya ng tiyan ko. subo pa ulet. sabay lunok tas inum ng tubig... hay 1 down.

di ko sinubukang kainin ung pangalawa.

pagkatapos nun mejo sumama ang timpla ng tiyan ko, parang nagaaway-away ang mga lamangloob ko. nak ng... najejebs pa ata ko.

pakikiramdaman ko na lang muna pag di na kaya, ilalabas ko na to.

malas... kaya ayokong kumain ng gulay.

1 comment:

Anonymous said...

ang saya siguro sa office nyo (kainggit) har.. boring na'ko dito panay bago na kasi mga ka-officemate ko, ako na lang ang "luma" nag resign na kasi mga naabutan ko.. pero gaya ng dati ako pa rin ang pinaka-bata :(