Cheers!

2/03/2009

move forward

kahit na mukhang bagay na ang isa't isa.
kahit sa tingin ng iba perpek ang pagsasama.
kahit mismo si aling Lukring matutuwa sa iniong tambalan.
kahit ang mga haters ay aagree.

di lahat ng pwede, laging nagsasama.
di porket mahal mo, magiging iyo na.
di dahil sa mahal ka, magiging ok na.
di mo man tanggapin, ganun ang takbo ng buhay.

mas gugustuhin mung di na sana nagkakilala.
mas maganda sana kung naging pangarap na lang.
mas masaya kung ganito na lang.
mas mabuti pa ngang ganito na lang.

may mga ala alang matatabunan ng ibang karanasan.
may kaligayahan na matatakpan na kalungkutan.
may aalis at may maiiwan.
may darating na magbibigay ng bagong simula.

kelangan na gumalaw.
kelangan na tumulak.
kelangan na umandar.
kelangan na umagos.

aus ba? madrama noh? ganyan ang epekto ng sobrang bc. pramis bc ako.
teka ang kati ng ulo ko, kamutin ko lang. teka may bukol ata. haha.

1/25/2009

quickie

saturday-012409
6pm sa mega nagintay ng kasama
tamang kwento, tamang intay, kaen
nag-ubos ng oras sa WOF
tas nanood ng underworld
inom sa market place hanggang 5am
nagkayayaan sa tagaytay
nakarating mga 8am
kumain sa dabarkad's lugawan
pumuntang picnic groove
nag - Zip Line
yahoooooooooooooo!
12pm kumain
bading ung waiter/cook/cashier/guard
at di kami inaasikaso ng maaus
12.30pm umalis sa tagaytay, 2.30pm dumating sa manila
pinakamalupet na bday celeb experience yan
sana may mas lulupet pa sa darating
kahit onti lang kami
un lang
cheers

1/19/2009

bday ko po

pinilit lang magkapost, me nangungulet kasi. uu para sayo ito, sa nagiisang reader ko. hahaha.

at tama malapit na paghuhukom, mahahati ang lupa, magkakaroon ng bagyo, flashflood, delubyo. uulan ng apoy na may kasamang etsas ng aso. matatalo na si pacman. at lahat ng tao magkakaroon ng sipon na kahit si Aga di kayang lunasan sa sulmox. sa wakas magugunaw na ang mundo.

ay este mali pala, erase erase na ung sa itaas. ito pala ung tama...
malapit na ang aking kaarawan. yahooooooooooooo!!! un lang.

ok ok.di nako hihingi na regalo at mukhang taghirap din kayo. o kuripot lang talaga? bday message na lang. gandahan nio naman ung may effort, samahan nio na ng kahit anung anik-anik. pede ring magtanong game ako jan. haha.

***sample message***
si rofel nung una kong makita yan kala ko mabait un pala sobrang bait. sana kunin ka na ni lord.
question: san ka natuto ng kagandahang asal?
happy bday!

yan! mga ganyan tipo. galingan nio huh, ung may pinakamessage may premyo. next post ko mga message nio. please lang patulan nio na to.

ps: boss nakaconnect kc to sa multiply acct, kaya limited ung kwentuhan.

12/22/2008

spirit of xmas

swee - eet!!!

daming kong natanggap na xmas gift. ang sarap ng feeling magbubukas ng regalo at hulaan kung anu ung laman. kahit na alam ko na "cup" or "tshirt" ung nakalagay sa loob. excited pa rin akong buksan. di nga tumatagal ung inaabot saken, nabubuksan ko agad. haha.

sa mga nagbigay.. salamat ng marami.
sa mga d pa.. pede pang humabol, tumatanggap ako kahit late na. hehe.

muli, merry christmas and happy new year. god bless.

12/11/2008

advance

mauna na ko baka magkalimutan.
sa mga kapamilya, kapuso, katropa, kabarangay, kapitbahay, kakosa, kadota, kaibigan, kaaway, at sa lahat ng kakilala at kahit sa mga di nakakakilala saken.

merry christmas and happy new year!!!
yahooooo...

un lang!!!

at kung hindi nio kelangan ng pagbati at mas gusto nio na may regalo... pwes di kau kasama sa mga binati ko, at kalimutan nio na ang lahat ng ating mga pinagsamahan. isa na lang kaung istranghero sa aking paningin. hmmp...

pera na lang kung kau magbibigay, ibang usapan na un, at maluwag kong tatanggapin kahit anu pa un. salamat.

12/09/2008

all i wan't for chrismas is you

malas...
late akong nakapasok, pero parang natural na saken un. ang di ko matanggap ay ung fx na sinakyan ko. putsa! kaya nga ko sumakay ng fx para naman marelax ako ng onti bago pumasok. pero nung pagbayad ko saka ko lang napansin na mejo mabaho ung fx, amoy usok ng sigarilyo, amp. aircon pa namn. eh dun pa naman ako sa tabi ng driver umupo. parang lahat ng tirang usok napunta sa lalamunan ko. badtrip talaga!
malas...
kelangan magbawas ng kahihiyan. nagprapratis na ng presentation para sa xmas party sa company. wala eh. kelangan gawin.
malas...
hays...
malas...

ung title? isang malaking sikreto kung yan ung nailagay ko...

12/02/2008

soulmate

lahat ng nilalang dito sa mundo ay may nakatakdang kaparehas. kahit sinu ka pa, saan ka pa, anu ka pa. may nakatadhana kang nagiintay at nanabik sa inyong pagtatagpo. nakaguhit na sa iyong mga palad, kung baga kapalaran nio talaga ang para sa isa't-isa.

pagdumating ang araw na magsasalubong ang inyong mga mata, hihinto ang oras at maliliwanag ang lahat. mararamdam mu na parang ang tagal nio ng magkakilala. na parang nakita muna ang matagal hinahanap. at masasabit mo sa iyong mga labi na... " siya na nga"

halos lahat ng bagay magkasundo kayo. parang iisa lang ang tibok ng inyong mga puso. na kahit ang mga nasa paligid ay natutuwa sa pagiging magkatuwang nio. na kahit ang panahon at kaligiran sumasangayon sa inyong pagsasama. na kahit anung unos at pighati di na kau mapaghihiwalay.
na para bang kumpleto na lahat, wala ng hahanapin pang iba.

soulmate, ung taong nakadestiny na para sayo...

ikaw nakita mu na ba ang soulmate mu? di pa? pwes wag ka ng umasa at lokohin ang sarili mu. di totoo yan, wag kang magpauto. kalokohan lang yan ng mga ninuno nio na di nagkaroon ng kapareha sa buhay kakahintay sa wala. walang intelektual na masasabi ang nakaimbento nyan.

mas maganda kung nag-F.L.A.M.E.S. ka na lang, malilibang ka habang niloloko ang sarili. hehe.