kala ko di na ko magba-blog, ung tamang basa na lang at di na mag-iiwan ng bakas. buti na lang at di ako nagbitaw ng salita.
natutuwa akong magbasa ng mga blogs na galing sa karanasan ng ibang tao, lalu na ung mga kwentong sa tingin ko na kahit kelan ay di ko mararanasan. ung mahusay ang pagsasalaysay, may talas at laman na boka. masarap, nalalasap ko ung salitang gusto nilang ipakain sa mambabasa. kahit na tungkol saan pa yan, mapa lovelife, trabaho, kapitbahay, o kahit sa simpleng pagtatae. na-iimagine ko ung bawat galaw at hinga na gusto nilang padama, kahit ung emosyon.
minsan nga di lang un ang ibig nilang ihatid may mas malamim pang dahilan un. dagdag lawak ng kaisipan din sila. may kalokohan pero may mapupulot na aral, parang nakikinig ka lang sa kwentong ng mas nakakatanda.
magaling, nakakatuwa, sarap magbasa.
9/04/2009
blogger
saturday gimik
sfc... nakaligtas nung orientation.
1st talk
napilitan dahil sa magulang
2nd talk
binibilang ang bawat sigundong lumilipas, uwing uwi na dahil may lakad na nag-iintay
3rd and 4th talk
onting onting nauuto at nageenjoy
exited na sa 5th talk
ang hirap magbago, lalu na pagmay multo sa likod. sayang naman ung pinundar kong pride at angas, un na nga lang ang natitira ko sa pagkatao ko babawasan ko pa. likas akong masama at alam ko un, kelangan ko pa bang ipaliwanag ang sarili ko? di na ata, dahil natural sakin un. kahit ipagkalat mu pa.
Subscribe to:
Posts (Atom)