Cheers!

8/27/2008

lumpiang sariwa

mukhang masarap,,, lalo na nung lagyan ng sauce na may bawang at mukhang matamis...
shhhulp! yummy!

yan ang unang impression ko ng makita ko ung lumpiang sariwa sa canteen. kahit na di ako palakain ng gulay, at dahil na rin nagsisimula kong baguhin ang kinaugalian na di pagkain ng gulay, bumili ako nito. at dahil alam kong may makakasabay ako sa pagkain sa pantry, dinalawa ko pa ang order ko nito, for the sake of sharing.

pagdating ng tanghalian...
parang wala sila, ung mga madalas kong makasabay may pinuntahan ata. aus! solong solo ko ung lumpiang binili ko. pero nung pagdating sa puntong tinikman ko na,,, putsa ganun pala lasa nun [first tym ko kumain nun, pramis]. mejo di kaaya-aya ung lasa, pero pinipilit kong tanggapin baka sakaling magbago. subo pa ulet. mejo tumataas na ung balahibo ko, pero baka sa umpisa lang un. subo pa ulet. di parin nagbabago ganun paren. subo pa ulet. parang di nakaya ng tiyan ko. subo pa ulet. sabay lunok tas inum ng tubig... hay 1 down.

di ko sinubukang kainin ung pangalawa.

pagkatapos nun mejo sumama ang timpla ng tiyan ko, parang nagaaway-away ang mga lamangloob ko. nak ng... najejebs pa ata ko.

pakikiramdaman ko na lang muna pag di na kaya, ilalabas ko na to.

malas... kaya ayokong kumain ng gulay.

8/01/2008

walking trip

pagkatapos ng inuman session ng barkada sa metrowalk, tsempre kanya-kanya ng sibat.
halos karamihan samin sa pasig umuuwi, bale 2 kami ni kosa na pa cubao ang way.

pinauna namin sila umuwi, inantay namin sila hanggang makasakay ng taxi. mga 2am na ng mga oras na un kaya sa malamang wala ng pampublikong sasakyan.

after nilang makasakay, nagdecision namin na maglakad papunta sa sakayan ng bus[G-Liner biyaheng Quiapo]. kaso sa kasamaang palad mukhang wala na talagang dadaan na bus. isang malupet na decision nanaman, lakad ulet papuntang robinson for sure na un na meron bus na masasakyan. pero mejo- mejo mahaba din un nilakad namin, natanggal nga ung tama ng alak. 5 bote lang ng sml un nainum ko pero tinamaan ako, mahina talaga ako uminum kaya di na ko nagtaka nun.

nakarating din naman kami sa sakayan ng bus ng papuntang edsa. halos lumilipad kami nung naglalakad, dahil kaya un sa kaba na baka ma-rape kami? oh noh.

pagdating samen, aba wala ng tricycle na nakatambay. at dahil mukhang nabitin ako sa walkathon na ginawa namin. lakad ulet ang nangyare. halos 3am na ako dumating samen.

partida mejo umaambon nun.

at nakapasok pa ko sa opis, 9am ako dumating, di ako late. ^__^

allhopeisgone

this is it!
sa tingin ko ito ung tamang pagkakataon, sigurado na ko sa nararamdaman ko.
hindi naman ako naghahangad ng kapalit [pero mas maganda sana kung meron], masabi ko lang ung tunay na nararamdaman ko,, eh OK na ^__^

give me sign!
isang malupet na pagkakataon ang nabigay sakin, akalaen mung mas maaga ciang umales saken, pero nakita ko pa cia sa sakayan ng bus. senyales na ba ito? at nang pupuntahan ko n cia, ooops,, teka parang meron ciang bodyguard na kasama. hmmm... baka kakilala lang. pinipilit ko paniwalain ang aking sarili. ng dumating sa puntong...
magkahawak ang inyong mga kamay
ang dibdib ko ay sumikip
ang paglunok ko ay naipit
- "Sayang" by PnE


sorry not available!
taena, malay ko bang may BF na cia. madalas kaya kaming nagkakasabay pauwi, at kahit sa pagpasok nakikita ko rin cia. wala naman akong nakikitang tiga-sundo't hatid. gusto kong magsenti, gusto kong maluwa, gusto kong maiyak. pero bakit di ko magawa. parang naiipon lang ang lahat, at naidadaan lang sa tawa. hehehehe.

it's over!
at ang pinakamalupet, may bali-balita na nagpasa na daw cia ng resignation letter, kasabay ng isa pang employee. di ko alam ung dahilan, at sa malamang di rin ako ung dahilan. cnu ba naman ako? i'm just nobody. pero gusto ko na cia ung lagi kong nakikita, lagi kong nakakasabay sa pag-uwi at pagpasok, laging kasabay kumain, laging kausap. [inhale]... [exhale] hayz...

gaanu kasaket ung malalaman mu na mahal mu pala cia kasabay na malalaman mu na may minamahal na pala ciang iba?