Hmmm... sarap ng tubig sa pool, sa sobrang sarap kalahating drum na yata ang nainom, busog na ko sa tubig. blurp! Sarap magrelaks dito sa 8 waves, Bulacan. Sariwa ang hangin at peace ang ambiyans. Malayo sa mga politikong nakasinghot ng katol at malakas na magtrip para manggulo. Ayos na ayos itong pasyalan para sa buong tropa. Teka, buo? ilan ba tayo? 1..2..3..4..5..6..7, 7 lang? 8 pala kasama ung drayber. Asan na yung iba?
Rewind natin...
1 week before ng outing:
Nagkaroon ng desisyon ang tropa kung saan gaganapin yung christmas outing, swimming sa 8 waves, at ang budget tumatagintin na 800 pesoses daw... Holycow ang mahal, pero sabi ko sa sarili ko wansinalayptaym lang iyon kaya ok lang. Saka pede pa namang bumaba iyon kung maraming sasama, kaya join pa rin ako.
Ang kaso lang habang palapit ng palapit ang araw ng pagtutuos... onti-onti ding nalalagas ang mga sasama na parang balahibo ng asong galisin.Eoww! Hanggang sa maging 7 katao na lang ang sasama. Pero kahit umabot sa ganoon ang mga pangyayari, iin-enjoy na lang namin ito ^^.
Pagdating sa 8 waves, tsiempre kuha muna ng kateyg. Yung mga oras na iyon, hindi pa bukas ang meyn attraksyon... ang Wave Pool, kaya punta muna kami sa ibang pool. Pero bago kami lumusong sa pool, eh nagwisik-wisik muna ng tubig. Para matanggal muna ang mga alikabok/dumi sa katawan. Sa madaling salita magtanggal muna ng libag para di agad dumumi ang pool.
Handa na ang lahat para sa paglusob sa pool... Wow! Ang linis talaga ng tubig, kitang kita mo ang mga langgam na nag-skuba daybing, at ang temperatura... watdapak! ang lamig.
= 'Nasa North Pole ba tau?'
- 'adik ka ba nasa Pilipinas lang tayo'
= 'ahh nasa Baguio tayo noh?'
- 'lakas ng amats mo wala tayo sa Baguio'
= 'hmmm...'
- 'may reprigireytor sa ilalim ng pool'
= 'anu tayo isda?'
- 'hindi, baboy'
= 'bwahahahaha'
Wala ganyang dayalog, pero sobrang lamig talaga ng pool doon. Kaya lumipat kami sa ibang pool. Sa kasamaang palad halos lahat ng pool eh ganoon kalamig. Kaya napagpasyahan namin na subukan naman ang islayds.
Sinubukan namin ang 30mins islayds, di ito gaano mataas. Paikot-ikot lang islayds, at ang matindi doon ay kelangan ng mapa para di ka maligaw at makarating ka sa baba. Walang kwenta!, kaya balik na lang ulit kami sa Wave Pool, sakto bukas na.
Sarap ng tubig dito, di masyado malamig, siguro dahil sa mga ihi ng batang unang nagswiming, timplado na... maalat-alat na parang dagat na ang lasa. Yahoo! andiyan na ang mga alon.. sugooood!
Iba na talaga ang teknolohiya. akalain mo meron ng makina na kayang gumawa ng alon. Asteeeeg!
Saya dito bagong ekspiryens, ang sarap bumangga at bumagsak sa lakas alon, ang sarap sumayaw sa alon habang tumutugtog ang "bulaklak", ang sarap magtawanan kasabay ang mga alon dahil sa isang kasama na nalulunod, ang sarap sumakay sa islayds na mababa kahit na paikot-ikot lang, ang sarap kumain ng tanghalian sa mini-stop, sarap kumain ng sandwits na may liberspred habang nagkwekwentuhan sa sasakyan.
Pero mas masaya sana kung...
Kung kompleto ang tropa. huhuhuhu(w/tears)
Sa mga klasmeyts/katropa/kabats na hindi nakasama (mga weak!) bawi na lang tayo next time. hehehe... peace!
Life is too short, kaya enjoy na natin to!
Sa mga may balak na pumunta sa 8waves, isa lang po ang paalala ko: "Bawal tumalon pagnasa loob ka ng pool", kasi may signboard na: "No Jumping". -Dr. Amurao
12/03/2007
8/8
11/21/2007
gawain ng mga walang magawa sa opis!
Firts time kong gumawa ng blog, di ko alam kung anu ang nakain ko at gumawa ko nito. Siguro dahil sa mahabang oras na nilalaan ko sa opis na walang ginagawa, kaya yung utak ko natutuyo sa kakaisip kung paano uubusin ang otso oras sa pagtutunga, ay di pala walo, kundi sampung oras na pamamalagi sa opis (kasama na dito ang ober taym... kapal ng mukha noh!).
Sa una madali lang ubusin ang oras sa pamamagitan ng panonood ng anime video, thrilling nga eh..., Kasi habang nanood ka kelangan ay malakas ang pakiramdam mo kung meron ng tao na nagdaraan sa likod mo. Hirap kasi nakatalikod ka sa pinto ng cubicle, lalo sa mga boss na nanghuhuli ng walang ginagawa. Akala mo mga detektib dahan-dahan pa maglakad sa bawat cubicle para magcheck, asa pa sila na mahuli ako, eh malakas NEN nito. Hehehe!
Ayun nga lng, nung natapos ko na ang mga pinapanood ko at wala ng maisunod... tsk..tsk..tsk.. Pahirapan na naman sa pag-ubos ng oras. Basa dito, basa doon, forum dito, forum doon. Buti na lng pedeng surf sa internet aka. pareng google. Lahat ng pwedeng i-search na itanong ko na ata kay google.
Isa pa sa nakatuyong utak sa opis ay ung sound trip ng ka-opis ko ng mas higher(elder). Paulit-ulit, at ang mas matindi pa nun ay naka-speaker, take note ang gamit niyang speaker ay malaki at medio malakas, pede naman siyang magheadset... Gusto niya lang ata ipamukha na may speaker cia. Hehehe. Minsan nga eh pati sa pagtulog ko napapaginipan ko ung sound trip nia.. ela.. ela.. ela.. e.. e.. Pero kahit ganun ang sir ko eh, master ko pa rin siya pagdating sa mga porn. Hehehe... >:)
to be continue...