my-vote-for-the-2009-bloggers-choice-awards[national]-goes-to...
[....drumroll....]
OTEP
from-the-blog
Libre Lang Mangarap
[....applause....] yahoooo!!!
tsong good luck sau ^^
10/05/2009
philippineblogawards
9/04/2009
blogger
kala ko di na ko magba-blog, ung tamang basa na lang at di na mag-iiwan ng bakas. buti na lang at di ako nagbitaw ng salita.
natutuwa akong magbasa ng mga blogs na galing sa karanasan ng ibang tao, lalu na ung mga kwentong sa tingin ko na kahit kelan ay di ko mararanasan. ung mahusay ang pagsasalaysay, may talas at laman na boka. masarap, nalalasap ko ung salitang gusto nilang ipakain sa mambabasa. kahit na tungkol saan pa yan, mapa lovelife, trabaho, kapitbahay, o kahit sa simpleng pagtatae. na-iimagine ko ung bawat galaw at hinga na gusto nilang padama, kahit ung emosyon.
minsan nga di lang un ang ibig nilang ihatid may mas malamim pang dahilan un. dagdag lawak ng kaisipan din sila. may kalokohan pero may mapupulot na aral, parang nakikinig ka lang sa kwentong ng mas nakakatanda.
magaling, nakakatuwa, sarap magbasa.
saturday gimik
sfc... nakaligtas nung orientation.
1st talk
napilitan dahil sa magulang
2nd talk
binibilang ang bawat sigundong lumilipas, uwing uwi na dahil may lakad na nag-iintay
3rd and 4th talk
onting onting nauuto at nageenjoy
exited na sa 5th talk
ang hirap magbago, lalu na pagmay multo sa likod. sayang naman ung pinundar kong pride at angas, un na nga lang ang natitira ko sa pagkatao ko babawasan ko pa. likas akong masama at alam ko un, kelangan ko pa bang ipaliwanag ang sarili ko? di na ata, dahil natural sakin un. kahit ipagkalat mu pa.
4/14/2009
loreland trip
buti na lang at di natapos ang holy week ng walang nagawang matino. nakapagswimming kami ng katropa ko sa isang public na resort sa antipolo.
di lahat kalahok sa outing ay kasya sa van, kaya ung matatapang, magagaling at nauto ay kelangan mag commute. at kasama ko dun. di naman boring kc may libreng movie watch ung fx. un nga lang bitin, bumaba na kami ng di pa natatapos ung pinapanood.
ok naman un lugar, mejo kilala plus holy week pa. kaya anu pang aasahan natin, aun dinumug, sobrang dami ng tao kala ko nga ay may piyesta. partida overnyt pa un. anu kaya itsura ng lugar pagumaga? sa malamang parang dibisorya lang un.
ung pool ok naman mejo madaming pagpipilian. ung tubig mukhang walang palitan nung isang linggo pa ata un, malibag-libag saka mapanghi. pero ok lang ganun talaga kelangang magpinetencia. may pangontra namn ung management eh, sangkatutak na chlorine. mawawala ang amoy panghe at kakalat ang halimuyak ng chlorine sa buong pool. bawal ang de color na tshirt baka mamuti sa sobrang tapang ng chlorine.
ok din ung pwestong cottage, kaso di secure ung mga gamit. kelangan pang ilagay ang mga importanteng gamit sa van, tas ung iba iniwan na lang sa cottage pero di parin natiis merong nagkusa na magbantay ng gamit.
ung view? ok na rin. madaming palong palo, pero onti lang ung panalo. at karamihan sa mga wagi ay tamang porma lang di ata natuwa sa pool kaya di nagtry mag swimming.
pagkain sobrang ok! masarap ung kanin w/ adobo, kanin w/ delata, kanin w/ chicharon, kanin w/ prutas, kanin w/ kanin. tama puro kanin, kanin at marami pang kanin. sa kaso sa kasamaang palad di parin naubus. kung pinulutan kaya namin ung kanin? at least nakabawas bawas sana.
mejo adventurous ung biyahe pauwi. mejo flat tire ung isang gulong nung van kaya ang dami pa ring aberya. pero nalutas din ang lahat. ang matindi lang nung pauwi, tinangka pa naming bawasan ung kaning tira. adobo rice at tuna rice. yum yum yum!
lesson learned: don't laugh with your mouth full... full of rice
UNholy week
gluttony || sloth
kaen, tulog, nood tv, idlip ng onti, kain ng onti, nood pirated dvd movie, di matatapos kc makakatulog, paggising hanap pagkaen, pagwala, hanap instant pagkain sa labas. pakiramdam ko wala pang isang araw ang nakakalipas dumoble na ang timbang ko. masarap matulog sa tanghali na mainit. pero mas masarap kumain pagkatapos ng mahimbing na pagkakatulog. ngaun lang to, kaya pagbigyan nio na.
greed || envy
di bukas sa computer shop dahil namasyal ung may ari kasama nung pamilya nia. di rin makapagbasket ball dahil nakabalandra ung tinayong pabasa sa court. di rin makapamasyal dahil limitado ang pera, malayo pa ang sahod at marami pang darating na gastusin. aun sugal na lang ang libangan, sa onting barya kasama ng mga tambay, nagubos ng oras. mas ninais na dumami pera na makukuha sa bulsa ng iba. ang kaso mukhang baligtad ang nangyayari, mabuti pang itigil na to habang di pa malubha ang sakit na tinamo ng pitaka. antay na lang sa mananalo baka sakaling mambalato pampalubag loob.
pride || lust || wrath
ang pinakamagaling sa lahat ang ciang naghakot ng pera. pero wag mag-alala dahil magiging pang-alak din un. kanyang kanyang ambag na ang mga kolokoy. kahit walang ambag makakainum, pero cla ung magiging utusan. nang tumagal naging kwentong lasing na hinantungan. pataasan ng ihi, paramihan ng babae, parang lahat ng yabang sa katawan nilabas na. at di pa dun matatapos ang lahat. gaya ng halos lahat na pelikulang pilipino, may darating na barangay o pulis sa compound namin. dahil pedeng may napagtripan na naglalakad sa kanto, may nabatong bubong o sasakyan, o kaya'y may napadaan lang na mobile at tamang pahabol ang mga kumag.
crying baby
-- baliw ka ba?
* di ako baliw, baka ikaw...
-- e bat ka lumuluha habang tumatawa?
* ahh un ba... nakakatawa kc, di ko alam na luluha ako ng ganito.
kinakausap ang sarili, habang nanunood ng korean movie sa opis[at least di porn ang inaatupag ko]. nasa saddest part na kc T_T. buti na lang at walang nakakapancin saken kung nagkataon, anu kaya magiging reaksyon nila? hmmmm... bahala na saka ko na lang tignan pag na tsempuhan ako . hehehe.
2/03/2009
move forward
kahit na mukhang bagay na ang isa't isa.
kahit sa tingin ng iba perpek ang pagsasama.
kahit mismo si aling Lukring matutuwa sa iniong tambalan.
kahit ang mga haters ay aagree.
di lahat ng pwede, laging nagsasama.
di porket mahal mo, magiging iyo na.
di dahil sa mahal ka, magiging ok na.
di mo man tanggapin, ganun ang takbo ng buhay.
mas gugustuhin mung di na sana nagkakilala.
mas maganda sana kung naging pangarap na lang.
mas masaya kung ganito na lang.
mas mabuti pa ngang ganito na lang.
may mga ala alang matatabunan ng ibang karanasan.
may kaligayahan na matatakpan na kalungkutan.
may aalis at may maiiwan.
may darating na magbibigay ng bagong simula.
kelangan na gumalaw.
kelangan na tumulak.
kelangan na umandar.
kelangan na umagos.
aus ba? madrama noh? ganyan ang epekto ng sobrang bc. pramis bc ako.
teka ang kati ng ulo ko, kamutin ko lang. teka may bukol ata. haha.